Wednesday, January 1, 2020

8 Things to consider when choosing a place for staycation


Holiday season na naman and ito iyong panahon na gusto nating mag-relax, makipagbonding sa loved ones, lumanghap ng sariwang hangin at magfood-trip. Kaya naman marami sa ating mga Pinoy ang nahihilig mag-staycation. 

Kamakailan lamang ay ipinagdiwang namin ang Christmas sa Duplex Villa Tagaytay na matatagpuan sa Filipinas Farm Road, West Iruhin, Tagaytay. I highly recommend this place for staycation dahil sa napakamodernong disenyo at kumpletong amenities.




Ano ba ang mga dapat na ma-consider in choosing a place for staycation? Here are some tips from biyahenisanty03:


1. Affordable- Dapat swak sa budget. Worth it ang gastos.



2. Spacious-Malawak at kasya ang buong pamilya. Hindi mahirap kumilos. May space for activity area.






3. Clean and comfortable-Madalas kong banggitin ang kalinisan ng isang lugar, no rats, flies or cockroaches. Mabango ang mga linen. Malinis ang mga comfort rooms.





4. Complete amenities-Iyong kumpleto na lahat at you won’t have to worry about everything. Nandiyan na iyong gas range, kitchen utensils, may refrigerator, microwave. Kabilang na rin dito iyong facilities for entertainment and sports equipment. Kabilang na rin dito ang wifi na alam kong una niyong itatanong sa lugar. What I love in Duplex Villa Tagaytay iyong kumpleto sila may free fresh herbs pa like parsley, cherry tomato and lemon grass.

You can use these with no additional charge


Yes to Wifi

Herbs everywhere

Go on biking!

Ilabas ang galing sa pagkanta...

Billiard mode
Outdoor wide screen (It's movie time)


5. No corkage fee-Bonus na rin ito para less gastos.

6. Proximity to tourist spots-This is something to consider para naman maexplore ang tourist attractions sa isang lugar.

Ang lamig sa Tagaytay!

7. Approachable staff-From booking hanggang sa day ng staycation, importante na approachable ang mga staff and mabilis silang magrespond sa iyong queries.


8. Secure and peaceful environment-The area should be well-secured and peaceful din para naman mas lalong maging maganda ang staycation.





Kung nag-iisip ka pa ng ibang place for staycation, maraming choices ang makikita sa internet at madalas na ma-offer ang mga condominium or nature inspired resort. So next time, try to consider the abovementioned reminders. Happy Staycation!!


Follow my Facebook page at: https://www.facebook.com/biyahenisanty03/
Follow my instagram at: biyahenisanty03