Saturday, March 31, 2018

Pitong hugot mula sa karagatan


Nitong nakaraang Biyernes Santo ay napagpasyahan ng aming pamilya na magtungo sa dagat ng Real, Quezon. Salamat sa Ocean Row Beach Resort for the accommodation and beach experience. 

Sa aking pananatili sa resort ay may ilang aral akong natutunan. Nais kong ibahagi ang Pitong aral ni Santy, mga hugot mula sa karagatan.


1. Huwag kang magpasindak sa alon, kailangan mo itong harapin.

Natakot ako sa malalaking alon na animo’y nagkakarera sa kalawakan ng karagatan. Sabi ng mga kapatid ko, kapag may alon, tumalon ka lang at huwag kang magpapadala. Sa buhay natin, maraming alon ang dumarating; may malalaki, may maliliit. Mga pagsubok na hindi dapat takbuhan at katakutan. Talunan mo lang.! Manatili kang may pagnanais na abutin ang tagumpay kahit gaano pa kahirap ang buhay. Tanda mo pa ba si Super Mario? Sa kanyang pagtalon-talon sa mga pagsubok ay naabot din niya si Koopa at nailigtas ang prinsesa!


Huwag kang magpasindak sa alon, kailangan mo itong harapin.


2. Maging tulad ng “estuary”


Ano ba ang estuary? Ang sabi sa dictionary, “An estuary is where a river meets the sea. There, saltwater mixes with freshwater. The river becomes wider and wider and flows slowly to the ocean. “Estuaries are especially important since they act as nurseries for many different types of young fish and other animals before they head out toward the open ocean.”

First time kong makakita ng estuary sa may Real. Nakakamangha talaga ang estuary, dito nagtatagpo ang tubig tabang at alat. May puntong nagkakahalo pero hindi nagsasapawan.

May pagkakataon sa buhay na feeling natin matabang ang lahat dahil sa mga problema. May times naman na maalat, puno ng lasa! Normal ang ganitong pakiramdam pero huwag mong hayaan panay ka-bitteran ang manaig sa iyo dahil hindi ka nilikhang isang ampalaya! May halaga ka at may purpose katulad ng estuary. Chill lang, YOLO ika nga.


Maging tulad ng “estuary”


3. Hayan na ang alon! Huwag mong hayaang dalhin ka niya kung saan-saan dahil baka masaktan ka lang.

Hugot ito ng aking pamangkin nang matapos siyang dalhin ng alon sa batuhan. May mga taong katulad ng alon. Makikilala mo sila, hihilahin ka kung saan-saan  at kung hindi ka wise sa bandang huli ikaw ay sasaktan. Ito ang mga taong mabilis maka-impluwensiya kaya kung hindi ka matalino sa pagdesisyon kung ano ang tama at mali baka sa bandang huli ay ikaw din ang kawawa. Mag-ingat lang!




Hayan na ang alon! Huwag mong hayaang dalhin ka niya kung saan-saan dahil baka masaktan ka lang.


4. Sa dinami-dami ng buhangin, may isang sisingit sa iyong kuko na hindi mo napansin.

Matapos magbanlaw, akala ko’y wala na ang mga dumikit na buhangin pero mali ako dahil may natira pa sa aking kuko na hindi ko napansin.

Simple lang ang itinuro nito sa akin na may kinalaman sa usapang pag-ibig. Sa dinadami ng tao sa mundo, may isang tao na nakatalaga sa iyo. May times kasi na hindi mo napapansin dahil kung kani-kanino ka nakatingin.


Sa dinami-dami ng buhangin, may isang sisingit sa iyong kuko na hindi mo napansin.


5. May mga ala-ala na mabilis mabura, parang iyong isinulat mo sa buhangin na maabot lang ng alon ay nawawala na.


Tanggapin man natin o hindi, may mga ala-ala na sadyang ala-ala na lamang. Kahit itatak mo ito sa puso mo, kahit gaano pa kahalaga ito, ala-ala na lang na mabilis nakalimutan ng ibang tao.




May mga ala-ala na mabilis mabura, parang iyong isinulat mo sa buhangin na maabot lang ng alon ay nawawala na.


6. Ang karagatan ay magpapaalala na dapat kang maglaan ng oras sa pamilya.

Mas pinili kong sumama sa lakad ng pamilya kaysa sa lakad ng barkada. Madalas kasi ngayon sa mga kabataan ay bet ang tropa kaysa makasama ang pamilya sa lakaran. Tandaan mo sa pamilya mo pa rin ikaw unang lalapit lalo na pag nagigipit.


Ang karagatan ay magpapaalala na dapat kang maglaan ng oras sa pamilya.

7. Sa lahat ng alon sa buhay, ituon natin ang paningin sa ating Diyos at huwag tayong matakot.

Ito ay pinapaalala sa atin ng Matthew 14:22-33 nang ang Panginoong Jesus ay lumakad sa tubig at ng Matthew 8:26-27.

Matthew 8:26-27 New Living Translation (NLT)

26 Jesus responded, “Why are you afraid? You have so little faith!” Then he got up and rebuked the wind and waves, and suddenly there was a great calm.

27 The disciples were amazed. “Who is this man?” they asked. “Even the winds and waves obey him!”



Pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos ang kailangan natin at maniwala na walang imposible sa Kanya. LET US FIX OUR EYES ON HIM.

https://www.youtube.com/watch?v=1m_sWJQm2fs


All photos are taken at Ocean Row Beach Resort on March 31, 2018
Facebook Page: https://www.facebook.com/oceanrow/
Contact number: 0915-362-6364




Sunday, March 11, 2018

Anilag Festival 2018? Tara na sa Laguna!




Ang Anilag” ay pinaiksing salita na ang ibig sabihin ay “Ani ng Laguna". Bilang pasasalamat ng mga Lagunense sa Dakilang Lumikha sa patuloy na pagbibigay ng masaganang ani at biyaya, ginaganap ang Anilag tuwing ikalawang linggo ng Marso taon-taon. Ngayong taon, ang tema ng Anilag ay “Sama-sama ang Pamilya sa Masayang Laguna” 








Iba't ibang activities ang inaasahang maganap sa isang linggong selebrasyon, narito ang schedule of activities para sa mga nagnanais na dumayo dito sa Laguna. Halika na! Tara na sa Laguna!



Day 1 to 3 (Photo grabbed from Anilag Official Facebook Page on March 11, 2018)


Day 4 to 6 (Photo grabbed from Anilag Official Facebook Page on March 11, 2018)



Day 5 to 7 (Photo grabbed from Anilag Official Facebook Page on March 11, 2018)


Heto ang ilang personal na larawan ni biyahenisanty03 na nagpapakita ng ilang booths ng bayan ng Laguna. Matatagpuan sa loob ng mga booths na ito ang ilang produkto ng iba't ibang munisipyo. 



1. Lumban-kilala sa kanilang mga burda

Lumban booth



Lumban booth

2. Los Banos- The Special Science and Nature City! Kilala sa kanilang buco pie at Mernel's Chocolate cake

Los Banos booth
3. Calamba-famous sa hotspring resorts!
Calamba booth

4. Majayjay-kilala sa mga gulay!



Majayjay booth



Dream catcher? 


5. San Pablo- The 7 lakes of San Pablo kilala mo? Sikat din sila mga coconut



San Pablo booth






6. Bay- Naalala ko ang monay at mga ornamental plants. 


7. Kalayaan- Butterfly farms



8. Mabitac- Rattan furnitures?







9. Liliw- The tsinelas capital of the Philippines



Liliw booth
10. Calauan- oh kay tamis ng pinya! Home of the Sweetest Pineapple


11. Nagcarlan-Espasol? Ube?








12. San Pedro




13. Cavinti-“Sambalilo” originated from the Spanish word “sombrero,”





14. Pila- ang bayang pinagpala!


15. Santa Cruz- Malilimutan ko ba ang aking bayan? Kilala sa kanilang Kesong puti! 

Santa Cruz booth (My nephew in the picture)



Ang Anilag ay may temang "Sama-sama ang Pamilya sa Masayang Laguna" kaya mapapansin mo ang ilang simbolo ng pamilya.


Pangil Booth




Siniloan Booth


Expect colorful scenario too!




Pila booth




Photo grabbed from Anilag Festival Facebook Page







NOTE:


Hindi pa po kumpleto lahat ng booths dito. 


For more information

Visit

https://www.facebook.com/AnilagFestival/