Monday, October 19, 2015

Bucal Falls-A paradise in Majayjay, Laguna


                Sa buhay, kailangan mong makaranas ng hirap o matinding pagsubok upang mas lalo mong pahalagahan ito. Katulad ng aming paglalakbay, kinailangan naming tahakin ang hindi alintanang pagsubok,  dumaan sa madulas na batuhan, suyurin ang masukal na kagubatan at pagpawisan upang mas lalong ma-appreciate ang kagandahan ng mga nilikha ng Diyos kabilang na ang Bucal Falls na matatagpuan sa bayan ng Majayjay, Laguna. Ang Majayjay, Laguna ay dinarayo dahil sa kanyang malamig na klima at gayundin dahil dito matatagpuan ang Taytay Falls. Ang Taytay Falls ay pangalawa sa sikat na waterfalls na matatagpuan sa probinsya ng Laguna ngunit alam niyo ba na bukod dito ay mayroon ding isa pang talon na kung tawagin ay Bucal Falls. Hindi kagaya ng Taytay Falls, ang Bucal Falls ay hindi pa developed or established pero kung ako ang tatanungin, pareho lang ang lamig ng tubig ng dalawang talon na ito.

Bucal Falls-a must see in Majayjay, pristine environment and a place for nature lover where your spirit will be revived! Hayaan na lamang na ang mga larawang ito ang magsabi ng tunay na kagandahan ng talon.



1. On our way to Bucal

At dahil kami ay mga tubong taga Laguna, hindi kami nahirapang hanapin ang lugar. Ang Bucal Falls ay matatagpuan sa Brgy. Bucal, Majayjay, Laguna. Ngunit sa mga turistang nais itong puntahan, here is the direction:

From Manila:
Ride a bus bound to Sta.Cruz, Laguna
Terminal: Cubao (HM Terminal along EDSA)
                    Pasay   (DLTB, Greenstar, Jacliner Bus Terminal)
Fare: PhP 150

When you are in Sta.Cruz, ride a jeep going to Majayjay, Laguna. The jeep terminal can be found in Sta.Cruz Public Market. When you are in Majayjay, hire a tricycle going to Brgy. Bucal.






Importante na mag-stop over muna sa Brgy. Hall dahil dito kailangang mag-register bago ka payagang makapunta sa talon. May mga local tourist guide sila doon na pwedeng i-hire para mas lalong mapadali ang pagpunta sa talon. Mahalaga na suportahan natin ang mga local na tourist guide dahil sa ganitong paraan nakakatulong tayo sa komunidad.

Entrance fee: PhP 20/head
Tour Guide: PhP 300

2. The trekking portion

Hindi kagaya sa Taytay, I’ll tell you na hindi madaling puntahan ang Bucal Falls lalo na sa mga first timer , inabot kami ng mahigit 45 minutes bago namin natunghayan ang kagandahan nito. Ihanda ang sarili sa madulas at maputik na daan, matatarik na elevation, mga ahas at matataas na bato. Don’t worry, magagaling ang kanilang mga tourist guide, hindi nila kami pinabayaan.










3. The Falls-A paradise!

Sa sandaling makita mo na ang falls, sobrang nakakamangha talaga, hindi ko alam pero noong oras na matunghayan ko ang talon, tila naalis ang aking pagod at nakalimutan ko lahat ng aking problema sa oras na iyon. As in wow, amazing, napakalamig ng tubig, at tila kristal dahil sobrang linaw nito. Mayroon ding bukal ng tubig na pwedeng inumin, sinamantala namin itong subukan. Ang mga lumot sa paligid, luntiang kapaligiran, mga ligaw na ibon at lagaslas ng tubig ay tunay ngang nagpapahayag ng kapayapaan at kagandahan ng lugar. Nakaka-relax at refreshing talaga!
















4. Mga paala-ala

Ipinagbabawal ang pagdadala ng alak o mga inuming may alkohol sa lugar. Ang mga basura ay hindi rin dapat basta-basta na lang itinatapon kung saan-saan. Mas mabuting magdala na lang ng sariling lalagyan para sa basura upang mapanatili ang kalinisan sa lugar. Sa kadahilanang hindi pa developed ang lugar, wala kang comfort room or anumang accommodation na matatagpuan dito pero maaaring magbanlaw at magbihis sa Brgy. Hall. Hanggat maaari, iwasan din ang harutan o anumang aksyon na hahantog sa sakitan dahil napakalayo nito sa hospital. Alam niyo bang dahil muntikan ng maaksidente ang isa sa aming kasama dahil lang sa paghabol sa “groupie”?






5. Mga huling pananalita

Ang Bucal Falls ay tunay ngang isa sa mga maipagmamalaking tourist spots sa Laguna. Kung muling magkakaroon ng pagkakataon, babalikan ko ulit ito talaga.



Bucal Falls in Majayjay is truly a hidden gem.
Definitely for Filipino and a pride of Lagunense!



No comments:

Post a Comment