Tuesday, December 8, 2015

Some Places to visit in Laguna!

Maraming lugar na pwedeng puntahan sa Laguna. Kung nais mong makasubok ng iba’t ibang activities gaya ng whiterafting, trekking, nature tripping, food trip at iba pa. Bakit di mo bisitahin ang mga lugar na aking babanggitin? Tara muli mo akong samahan sa Laguna Travel guide na ito!

1. Liliw, Laguna

Ang Liliw ay kilala bilang Tsinelas Capital of the Philippines. Kung makakarating ka sa Liliw, kapansing-pansin na tunay nga namang ang mga produkto ng Liliw ay kayang kayang makipagsabayan sa ibang commercial products dahil sa magandang quality nito at affordability ng prices




Bukod sa mga tindahan ng tsinelas, mayroon ding mga masarap na kainan dito sa Liliw kagaya ng Arabela. 



Mayroon din silang version ng White house dito na tinatawag  na White House Pavilion of Liliw. Isa rin itong kainan na matatagpuan sa  Brgy. Poblacion, Liliw.






Mayroon din pala napuntahan dito na libre lang, ang Kurba, malamig din ang tubig! Try mo!




2. Magdalena, Laguna

Alam mo ba na sa Magdalena, Laguna ay maaari ka ng makapag whitewater river rafting at tubing? Kung experience lang naman ang hanap mo, at tight budget ka, hindi mo na kailangang dumayo sa Cagayan de Oro para lang maranasan ito lalo na kung ikaw ay taga CALABARZON or Metro Manila lang. Ilang oras lang ang Magdalena buhat sa Maynila kaya kung mayroon ka namang pagkakataon, dayuhin mo na ang bayan ng Magdalena. Bukod sa Whitewater river rafting, marami ka pang lugar na pwedeng puntahan dito kagaya ng St.Mary Magdalene Parish Church at ang Pintong Pilak. Dahil ang Magdalena ay itinuturing na Little Hollywood sa Laguna, marami na ring mga artista ang dito ay nagshoot at  alam mo ba na ang ilang scene sa sikat na Heneral Luna Movie ay sa Magdalena rin ginanap?

a. Magdalena Whitewater river rafting






Minsan ko ng naisama sa blog ang Magdalena Whitewater river rafting. Here’s the link:


b. Pintong Pilak

Ayon sa mga matatanda, ang pintong pilak ay dating bukas na kweba na kung saan mayroong mahiwagang nilalang na nagpapahiram ng mga gold-plated materials sa mga lokal na residente ng Magdalena. Ngunit dahil sa kasakiman ng mga tao at pagkasilaw sa ginto, hindi na nila ibinalik ito sa kweba at dahil doon tuluyan ng nagsara ang pintuan ng kweba na ngayon ay tinatawag na Pintong Pilak. Ang Pintong Pilak ay matatagpuan sa Bryg. Munting Ambling and Brgy. Malaking Ambling, Magdalena, Laguna.





c. St. Mary  Magdalene Parish Church

Ang simbahang ito ay madalas na makita sa mga pelikula ni Fernando Poe Jr. Alam mo ba na may edad 160yo na ang simbahang ito? Sa loob ng simbahan ay makikita ang bakas ng dugo ni General Emilio Jacinto na isa sa mga lider ng rebolusyon noong panahon ng Kastila.



3. Majayjay, Laguna

Bucal Falls

Nabanggit ko na rin ang Bucal Falls sa isa sa aking blog at kung paano makarating dito, here’s the link:

http://definitelyfilipino.com/blog/2015/10/bucal-falls-a-paradise-in-majayjay-laguna/




4. Nagcarlan, Laguna

Maraming lugar na pwedeng puntahan sa Nagcarlan. Narating mo na ba ang Underground Cemetery dito? According sa www.lagunatravelguide.com, ang underground cemetery na ito ay natatangi lamang sa Pilipinas, isa itong burial site na matatagpuan sa ilalim ng isang simbahan. Ginawa ito para pagdausan ng mga funeral mass noong 1845. Walang entrance fee ang pagpunta dito kaya kung nais mong puntahan, gawin mo na.






Isa pang pwedeng puntahan sa Nagcarlan ay ang Villa Sylvia na talaga namang sobrang lamig ng tubig. Actually dalawa ang option dito: Isang pool and isang batis, pili ka na lang, pwede namang parehong paliguan. Malimit itong dayuhin kapag summer, bukod dito marami pa ring resort sa Nagcarlan na maaari mong bisitahin.






5. Luisiana, Laguna

Mahilig ka bang mag-explore? Napuntahan mo na rin ba ang Hulugan Falls sa Luisiana, Laguna? Ito ang isa sa mga trip na hindi ko makakalimutan dahil buwis buhay talaga ang pagpunta sa lugar na iyon lalo na kung umuulan. Ang deskripsyon ko nga ay “maputik, madulas, matarik, malamig ngunit sulit”. Sa kabila ng hirap na ito’y mapuntahan, sulit naman talagang masilayan ang Hulugan Falls sa Laguna. Sana nga ay mapangalagaan ang lugar na ito at pag-aralan ang carrying capacity ng lugar upang malimitahan ang mga turista na pupunta sa araw-araw. Kapag nandoon ka na, talaga namang kamangha-mangha!












6. Lumban, Laguna

Pamilyar ka ba sa Caliraya Lake? Sobrang daming lugar na pwedeng puntahan dito sa Lumban. Heto ang pruweba!

a. Caliraya MountainLake Resort

Nakita ko lang ito sa Metrodeal.com, honestly nakita ko lang ito through ocular inspection noong nag-inquire kami for team building. Sa first time kong nakita ang lugar, humanga na ako dahil sa mga facilities nila na designed for team building.






b. Camarin Resort

Nakita ko ito noong nag-Prenup ang kapatid ko, sobrang peaceful din ng place na pwede rin for family outing and company team building.





c. Japanese Garden

Isa rin sa mga lugar na masarap pasyalan ang Japanese Garden sa Caliraya.






d. Caliraya Lake

At syempre pa, masarap ding pagmasdan ang Caliraya lake itself!



7. Sta.Cruz, Laguna

Walang masyadong tourist spots sa bayan ng Sta.Cruz gaya nga ng nasabi ko sa (http://definitelyfilipino.com/blog/2015/08/6-things-you-must-try-or-visit-in-sta-cruz-laguna/) pero madami namang masarap na kainan tulad ng Nanot’s Spaghetti House- affordable lang ang presyo pero garantisado swak sa panlasa.







8. Los BaƱos, Laguna

Of course lagi pa ring kasama sa list ang Laresio Lakeside Resort at ang Duplex ito ang link:





Alam niyo ba na may mga bagong facilities ang Laresio Resort? Gaya ng slip and fly! Oo slip and fly nga (one of a kind), 32ft cliff diving (tama, as in 32ft) at iba pang hindi ko nabanggit sa blogs ko before. Check out their website: www.laresio.com




Tara na! biyahe na tayo sa Laguna. :)






No comments:

Post a Comment