When the eyes can't capture everything
Thursday, August 18, 2016
Calidus Laguna:A Challenge to Reconnect With Yourself
“May free wifi kaya? May wifi access ba dito? Anong password ng wifi?”
Usually
, ito iyong mga tanong ko kapag pumupunta ako sa isang lugar kagaya ng
restaurant, coffee shop, resorts or hotels
. Ikaw ba ganoon din?
Aminin man natin o hindi, karamihan sa bagong henerasyon ngayon ay laging nag-nanais na makakonekta 24/7 sa
internet world
.
Internet connected and the usual behavior nowadays…
(
Based on observations
)
·
Iyong tipong kahit pinakasimpleng detalye ng buhay ay ipo-
post
sa
Social Media
pati pagtatanggal ng balakubak sa ulo.
·
Iyong tipong kakatuntong pa lang sa isang bagong lugar ay nakahanda na agad ang
camer
a ng
smartphone
para i-
capture
ang
scenery or most of the time
mag
-selfie
, sabay
post
sa
Facebook or Instagram with hashtag “#ATM, Just arrived. Thank you Lord.”
·
Iyong tipong pipicturan muna ang
food
bago magpray or kumain
and then post
agad sa
Instagram with caption “Food porn, now eating” #instagrammers #foodies”
·
O kaya naman iyong kasama ang “
long time no s
ee” BFF sa isang resto na may
free wifi
tapos
instead
na nag-
bonding
ang dalawa ay
busy
sa
Pokemon Go
.
·
Or sa isang
event like reunion
na
wifi zone
,
physically present
ka nga pero
mentally absent
naman dahil abala kang mag-
follow
ng
tweets
ng iyong mga kaibigan.
·
Iyong magtatanong ang isang
friend
tungkol sa
assignment then
sasabihin teka i-
Google
ko muna.
Madami ng nagawa ang
internet
sa ating buhay. May positibo at negatibong impluwensya.
Ang Pilipinas ay mayroong
estimated 44,478,808 internet users or
43.5% ng kabuuang populasyon (Source: Internet Live Stats accessed at
www.InternetLiveStats.comhttp://blog.pawnhero.ph/a-profile-of-smartphone-users-in-the-philippines/
on August 18, 2016). Ayon sa “A Profile of Smartphone Users in the Philippines” posted at
http://blog.pawnhero.ph/a-profile-of-smartphone-users-in-the-philippines/
on August 15, 2016, tatlo sa bawat sampung Pilipino ay nagmamay-ari ng
smartphone
. Ang
average
na oras ng paggamit ng
internet
gamit ang
smartphone
ng isang tao sa bawat araw ay umaabot ng tatlong oras at labing-apat na minuto. Ayon din sa
report
, 79% ng mga Pilipino ay nag-
checheck
ng kanilang
cellphone
labing-limang minuto mula pagkagising sa umaga. Apatnapung milyong Pilipino ay aktibo sa paggamit ng
Social Media
. Alam niyo ba na 94% ng
mobile internet user
ay gumagamit ng
Facebook
at karamihan sa kanila ay kabilang sa edad na 16-24.
We are so much fond of using the internet
kaya naman napakalaking papel na may
wifi access
ang isang
area
.
Kung walang
wifi
,
mobile data
ang gagamitin para kumonekta at makaiwas sa
FOMO syndrome or Fear of Missing Out
. Minsan dahil sa mga ganitong klase ng teknolohiya, mas madami na ang oras na kapiling ang
Smartphones
kaysa makipagkwentuhan sa mga mahal natin sa buhay. Sabi nga sa isang hugot
line
, “buti pa ang
cellphone
kapit mo palagi, hindi mo binibitawan pero ang kamay ko hindi mo na makapitan.”
Paano kung dumating sa puntong walang
wifi
? Walang
mobile data
? Walang
internet?
Ma-di-
disappoint
ka na ba?
Feeling
mo ba ma-paghuhulihan ka?
Feeling
mo ba
life would end without internet
?
Na-
try
mo ba na kahit isang araw man lang sa buhay mo ay nag-
disconnect
ka sa pag-gamit ng
Internet
?
Specifically
sa pag-popost sa
Social networking sites
?
What do you do when you are not connected to the Internet
? Ito rin ang mga tanong ko sa aking sarili knowing na isa akong
avid internet user
,
what would I do in a place where there is no internet connection
?
Kamakailan lamang ay nagtungo ako sa isang
hotspring resort
sa Los BaƱos, Laguna.
We celebrated my niece's birthday here
. Dahil maituturing itong isang
high-end resort
,
I expected
na kumpleto ang
facilities or amenities
ng
place including of course
ang
wifi
.
But you know what?
Ang isa sa mga maituturing natin ngayon na integral na parte ng ating buhay na
internet or wifi access
ay wala sila. Oo, wala nga, as in wala. Ibig sabihin ba nito
borin
g na? Ibig sabihin hindi na kumpleto ang
celebration
?
Of course
hindi. Marami kang pwedeng gawin kahit wala pang internet...
This resort reminded me to get off the internet and reconnect with myself and others
.
As their motto says “No wifi, please talk to each other and create lasting memories”.
No wifi
Sa loob ng dalawamput dalawang oras na pag-
stay
sa
resort
, may ilang bagay akong na-
realized
na hindi ko na pala palagiang nagagawa sa totoong buhay.
1. Spending more time with family
“The more we are connected to the Internet, be it to reply emails, read blogs, surf social networking sites, or tend to our hobbies via PC, mobile or tablet, the less time we have for the people around us.” - Singyin Lee
Kahit nasa bahay ako, mas madami akong oras na kapiling ang aking laptop or Iphone kaysa makipagkwentuhan sa aking mga kapamilya. Nakakalimutan ko na iyong tunay na
bonding
talaga with
them
. Masaya sa pakiramdam na makasama mo sila
without the presence of internet
.
Really, it is so much fun creating memories with your family.
“Live, laugh, love”
Mabuti na lang at maraming
recreational activities
sa
resort
na tunay na pampamilya.
Eating together
Our family wacky shot after the birthday party
Group picture by the pool
2. Real bonding with friends
Mayroon akong mahigit isang libong
friends
sa
Facebook
, sila iyong malimit mag-
like
ng post ko, mag-
share
or minsan ka-
chat
. Pero sa isang libong iyon, ilan lamang talaga sa kanila ang nakakasama ko sa totoong buhay. Masarap pa rin talaga na may real bonding ka sa mga
friends
mo. Iba pa rin iyong kausap mo sila
face-to-face
. Iyong kulitan, tawanan, asaran, damayan, sa totoong mundo ay tunay na mainam kaya kung may
chance
na makasama sila,
grab the opportunity
,
disconnect
muna sa
gadgets
kahit paminsan-minsan.
Do crazy things, laugh, feel the presence of one another
.
We love the colorful shower curtains
This is happiness inside the comfort rooms
Pillow fight
Pabebe tinginan
3. Relax and unwind
Sa panahon ngayon, napakahirap na lumipas ang isang araw na hindi mo kapit ang iyong smartphones. Minsan nga ang ilan diyan, dinadala nila ito hanggang sa
comfort rooms
. Aminado ako na katabi ko rin ito pagtulog, sa tuwing
free time
ko, madalas naniningin ako sa
newsfeed
ng FB. Nauubos madalas ang oras ko sa kakatingin ng
notifications
at kung ano ano pa at sa halip na na-
relax
ay na-
stress
lang minsan sa mga
updates
sa
newsfeed
.
Ang pangatlo kong narealized ay dapat mag-
offline
din paminsan-minsan.
Disable your wifi, take a trip, dip into a hot water and meditate
. Ito ang tunay na nakaka-
relax
at pang-
unwind.
Swim and pose
Let's get the party starting
Videoke by the pool or movie marathon? Saan ka pa?
4. Playing games for real
Kailan nga ba iyong huling oras na naglaro tayo? Iyong laro na hindi gamit ang
tablet or PC
? Iyong laro na hindi
online
? Iba pa rin ang may interaksyon sa totoong tao. Iba pa rin kapag pinagpapawisan ka ng totoo. Iba pa rin ang sama-samang paglalaro sa totoong mundo walang panama ang POKEMON GO.
Basketball shoot!
The family that plays together stay together
Table tennis!
5. To be genuinely happy and be true
Minsan akala natin lahat ng nakikita natin sa mga
post
sa
Facebook or other social media
ay lahat totoo. Kapag may nag-
post
na magbf/gf na sobrang sweet sa picture, sobrang kinikilig tayo pero
after a month
magugulat na lang tayo na hiwalay na sila. May mag-popost ng kung ano-anong
gadget
para lang masabing may kaya siya sa buhay pero hindi naman pala totoo. We wanted to be accepted sa pamamagitan ng mga post natin. Nakakalungkot na madalas ito na ang batayan ng totoong kasiyahan at self-worth.
Sa
internet
, hindi lahat ng post totoo at hindi lahat ng nag-popost nag-papakatotoo.
In every post, there is a different story behind.
Magiging masaya lang ba tayo kapag ang daming nag-
like
ng
post
natin? Ito ba ang sukatan ng tunay na kasiyahan?
Ang tunay na kasiyahan ay makakamtan kung magpapakatotoo tayo sa ating sarili at sa mga taong nakapaligid sa atin. Ang tunay na kasiyahan ay matatamo sa piling ng mga taong nagpapahalaga sa atin at pinapahalagahan natin. Kaya habang may panahon pa, let us try to get off the internet sometimes and spend time talking with our loved ones.
And this is Calidus Laguna
Super happy pose
(Photo Credit: Charles Frank Caramihan Photography)
“No wifi, please talk to each other and create lasting memories”.
Thanks Calidus Laguna for such a great challenge.
Interested in Calidus Laguna too?
Visit them at http://www.caliduslagunahotspringresort.com/
Newer Posts
Older Posts
Home
Subscribe to:
Posts (Atom)