Thursday, August 18, 2016

Calidus Laguna:A Challenge to Reconnect With Yourself

“May free wifi kaya? May wifi access ba dito? Anong password ng wifi?”

Usually, ito iyong mga tanong ko kapag pumupunta ako sa isang lugar kagaya ng restaurant, coffee shop, resorts or hotels. Ikaw ba ganoon din?

Aminin man natin o hindi, karamihan sa bagong henerasyon ngayon ay laging nag-nanais na makakonekta 24/7 sa internet world.

Internet connected and the usual behavior nowadays… (Based on observations)

  • ·         Iyong tipong kahit pinakasimpleng detalye ng buhay ay ipo-post sa Social Media pati pagtatanggal ng balakubak sa ulo.
  • ·         Iyong tipong kakatuntong pa lang sa isang bagong lugar ay nakahanda na agad ang camera ng smartphone para i-capture ang scenery or most of the time mag-selfie, sabay post sa Facebook or Instagram with hashtag “#ATM, Just arrived. Thank you Lord.”
  • ·         Iyong tipong pipicturan muna ang food bago magpray or kumain and then post agad sa Instagram  with caption “Food porn, now eating” #instagrammers #foodies”
  • ·         O kaya naman iyong kasama ang “long time no see” BFF sa isang resto na may free wifi tapos instead na nag-bonding ang dalawa ay busy sa Pokemon Go.
  • ·         Or sa isang event like reunion na wifi zone, physically present ka nga pero mentally absent naman dahil abala kang mag-follow ng tweets ng iyong mga kaibigan.
  • ·         Iyong magtatanong ang isang friend tungkol sa assignment then sasabihin teka i-Google ko muna.


Madami ng nagawa ang internet sa ating buhay. May positibo at negatibong impluwensya.

Ang Pilipinas ay mayroong estimated 44,478,808 internet users or 43.5% ng kabuuang populasyon (Source: Internet Live Stats accessed at www.InternetLiveStats.comhttp://blog.pawnhero.ph/a-profile-of-smartphone-users-in-the-philippines/ on August 18, 2016). Ayon sa “A Profile of Smartphone Users in the Philippines” posted at http://blog.pawnhero.ph/a-profile-of-smartphone-users-in-the-philippines/ on August 15, 2016, tatlo sa bawat sampung Pilipino ay nagmamay-ari ng smartphone. Ang average na oras ng paggamit ng internet gamit ang smartphone ng isang tao sa bawat araw ay umaabot ng tatlong oras at labing-apat na minuto. Ayon din sa report, 79% ng mga Pilipino ay nag-checheck ng kanilang cellphone labing-limang minuto mula pagkagising sa umaga. Apatnapung milyong Pilipino ay aktibo sa paggamit ng Social Media. Alam niyo ba na 94% ng mobile internet user ay gumagamit ng Facebook at karamihan sa kanila ay kabilang sa edad na 16-24. We are so much fond of using the internet kaya naman napakalaking papel na may wifi access ang isang area.

Kung walang wifi, mobile data ang gagamitin para kumonekta at makaiwas sa FOMO syndrome or Fear of Missing Out. Minsan dahil sa mga ganitong klase ng teknolohiya, mas madami na ang oras na kapiling ang Smartphones kaysa makipagkwentuhan sa mga mahal natin sa buhay. Sabi nga sa isang hugot line, “buti pa ang cellphone kapit mo palagi, hindi mo binibitawan pero ang kamay ko hindi mo na makapitan.”

Paano kung dumating sa puntong walang wifi? Walang mobile data? Walang internet? Ma-di-disappoint ka na ba? Feeling mo ba ma-paghuhulihan ka? Feeling mo ba life would end without internet?

Na-try mo ba na kahit isang araw man lang sa buhay mo ay nag-disconnect ka sa pag-gamit ng Internet? Specifically sa pag-popost sa Social networking sites? What do you do when you are not connected to the Internet? Ito rin ang mga tanong ko sa aking sarili knowing na isa akong avid internet user, what would I do in a place where there is no internet connection?

Kamakailan lamang ay nagtungo ako sa isang hotspring resort sa Los BaƱos, Laguna. We celebrated my niece's birthday here. Dahil maituturing itong isang high-end resort, I expected na kumpleto ang facilities or amenities ng place including of course ang wifi. But you know what? Ang isa sa mga maituturing natin ngayon na integral na parte ng ating buhay na internet or wifi access ay wala sila. Oo, wala nga, as in wala. Ibig sabihin ba nito boring na? Ibig sabihin hindi na kumpleto ang celebration?

Of course hindi. Marami kang pwedeng gawin kahit wala pang internet...

This resort reminded me to get off the internet and reconnect with myself and others. As their motto says “No wifi, please talk to each other and create lasting memories”.

No wifi


Sa loob ng dalawamput dalawang oras na pag-stay sa resort, may ilang bagay akong na-realized na hindi ko na pala palagiang nagagawa sa totoong buhay.

1. Spending more time with family

“The more we are connected to the Internet, be it to reply emails, read blogs, surf social networking sites, or tend to our hobbies via PC, mobile or tablet, the less time we have for the people around us.” - Singyin Lee
Kahit nasa bahay ako, mas madami akong oras na kapiling ang aking laptop or Iphone kaysa makipagkwentuhan sa aking mga kapamilya. Nakakalimutan ko na iyong tunay na bonding talaga with them. Masaya sa pakiramdam na makasama mo sila without the presence of internet. Really, it is so much fun creating memories with your family. 

“Live, laugh, love”

Mabuti na lang at maraming recreational activities sa resort na tunay na pampamilya.

Eating together 

Our family wacky shot after the birthday party

Group picture by the pool



2. Real bonding with friends

Mayroon akong mahigit isang libong friends sa Facebook, sila iyong malimit mag-like ng post ko, mag-share or minsan ka-chat. Pero sa isang libong iyon, ilan lamang talaga sa kanila ang nakakasama ko sa totoong buhay. Masarap pa rin talaga na may real bonding ka sa mga friends mo. Iba pa rin iyong kausap mo sila face-to-face. Iyong kulitan, tawanan, asaran, damayan, sa totoong mundo ay tunay na mainam kaya kung may chance na makasama sila, grab the opportunity, disconnect muna sa gadgets kahit paminsan-minsan. Do crazy things, laugh, feel the presence of one another.

We love the colorful shower curtains

This is happiness inside the comfort rooms


Pillow fight

Pabebe tinginan


3. Relax and unwind

Sa panahon ngayon, napakahirap na lumipas ang isang araw na hindi mo kapit ang iyong smartphones. Minsan nga ang ilan diyan, dinadala nila ito hanggang sa comfort rooms. Aminado ako na katabi ko rin ito pagtulog, sa tuwing free time ko, madalas naniningin ako sa newsfeed ng FB. Nauubos madalas ang oras ko sa kakatingin ng notifications at kung ano ano pa at sa halip na na-relax ay na-stress lang minsan sa mga updates sa newsfeed.

Ang pangatlo kong narealized ay dapat mag-offline din paminsan-minsan. Disable your wifi, take a trip, dip into a hot water and meditate. Ito ang tunay na nakaka-relax at pang-unwind.

Swim and pose

Let's get the party starting

Videoke by the pool or movie marathon? Saan ka pa?



4. Playing games for real

Kailan nga ba iyong huling oras na naglaro tayo? Iyong laro na hindi gamit ang tablet or PC? Iyong laro na hindi online? Iba pa rin ang may interaksyon sa totoong tao. Iba pa rin kapag pinagpapawisan ka ng totoo. Iba pa rin ang sama-samang paglalaro sa totoong mundo walang panama ang POKEMON GO.

Basketball shoot!

 
The family that plays together stay together

Table tennis!


5. To be genuinely happy and be true

Minsan akala natin lahat ng nakikita natin sa mga post sa Facebook or other social media ay lahat totoo. Kapag may nag-post na magbf/gf na sobrang sweet sa picture, sobrang kinikilig tayo pero after a month magugulat na lang tayo na hiwalay na sila. May mag-popost ng kung ano-anong gadget para lang masabing may kaya siya sa buhay pero hindi naman pala totoo. We wanted to be accepted sa pamamagitan ng mga post natin. Nakakalungkot na madalas ito na ang batayan ng totoong kasiyahan at self-worth.

Sa internet, hindi lahat ng post totoo at hindi lahat ng nag-popost nag-papakatotoo. In every post, there is a different story behind.

Magiging masaya lang ba tayo kapag ang daming nag-like ng post natin? Ito ba ang sukatan ng tunay na kasiyahan?

Ang tunay na kasiyahan ay makakamtan kung magpapakatotoo tayo sa ating sarili at sa mga taong nakapaligid sa atin. Ang tunay na kasiyahan ay matatamo sa piling ng mga taong nagpapahalaga sa atin at pinapahalagahan natin. Kaya habang may panahon pa, let us try to get off the internet sometimes and spend time talking with our loved ones.

And this is Calidus Laguna


Super happy pose
(Photo Credit: Charles Frank  Caramihan Photography)







 “No wifi, please talk to each other and create lasting memories”.

Thanks Calidus Laguna for such a great challenge.



Interested in Calidus Laguna too?

Visit them at http://www.caliduslagunahotspringresort.com/



No comments:

Post a Comment