When the eyes can't capture everything
Monday, October 30, 2017
Tara na sa mga Tulips sa Magdalena, Laguna!
Christmas is coming and marami sa ating mga Pilipino ang mahilig mamasyal sa mga lugar kung saan maraming mga kumukuti-kutitap na
Christmas decorations
. Marami rin sa atin ang nagagalak sa mga makukulay at maliliwanag na palamuti. Tila ba may kakaibang sayang naidudulot ito sa tuwing namamasdan. Tunay nga namang napakasarap sa pakiramdam kapag dumarating na ang kapaskuhan.
Sa biyahe kong ito, samahan niyo akong muli sa isang bayan sa Laguna, ang Magdalena, Laguna na tinagurian ding “
The Little Hollywood of Laguna”
at siya ring tinatawag na
Poblacion Ardiente
sa
Wildflower TV Series
ng ABS-CBN.
Kung may 10,000 roses sa Cebu, may hundred tulips naman dito
. Tunghayan natin ang mga larawan.
The Pink tulips
The yellow tulips
Close up view
Hundred tulips (night and day version) (Photo grabbed from Mayor David Aventurado, Jr. FB on Oct.31, 2017)
Paalala lamang mula kay Mayor Aventurado:
Bukod sa nag-gagandahang mga tulips, masasabi kong isa ang Magdalena Plaza sa may pinakamaganda at pinakamalinis na parke sa ating bansa. Marami ring instagrammable spots dito.
Feeling Maja Salvador (Ivy Aguas ng Wildflower)
Saint Magdalene Parish Church
Sa bayang ito, maaari mo ring maexperience ang White Water Rafting na dati ko na ring naibahagi sa inyo taong 2015. Please see
http://biyahenisanty03.blogspot.com/2015/08/white-water-rafting-in-magdalena-laguna.html
for details.
Our groupie before rafting (Photo taken Aug.31, 2015)
Isa pa ring dinadayo dito ang Silogan at Bulaluhan ni Puchuy sa Corvite Street na tunay nga namang napakalinamnam ng mga pagkain. For more details, please see
http://biyahenisanty03.blogspot.com/2017/07/silog-at-bulalo-kay-putchuy-tayo.html
"Kung may isang lugar kang pupuntahan ngayong pasko or sa mahabang holiday ngayong Nobyembre, mga lodi, idamay mo na ang Magdalena, Laguna sa iyong travel bucket list."
How to get there:
Private vehicle:
Take the National Highway from Sta. Cruz and turn right to San Luis Road/Pagsanjan-Magdalena Road (Sambat)
Public Transport:
Ride a bus from Cubao(HM or DLTB Bus Terminal) or Buendia-Taft (DLTB Co/Greenstar/Jac Liner Terminal) going to Sta. Cruz, Laguna and then take the jeepney to Magdalena.
Fare: Cubao to Sta.Cruz is PhP 148/head
Sta.Cruz to Magdalena is PhP18/head
No comments:
Post a Comment
Newer Post
Older Post
Home
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment