Showing posts with label Magdalena Laguna. Show all posts
Showing posts with label Magdalena Laguna. Show all posts

Saturday, February 3, 2018

Murang Pizza mula sa Poblacion Ardiente!

Sa unang tingin parang pangkaraniwang pizza lamang, hindi perpekto ang hugis, walang magandang packaging na kagaya ng mga pizza na nabibili natin sa mga sikat na pizza restaurants dito sa ating bansa. Pero kagaya nga ng kasabihang “don’t judge a book by its cover”, hindi sa anyo ng pizza nasusukat ang tunay na lasa dahil ang pizza na ito ay hindi basta-basta, once na iyong matikman ay talaga namang garantisadong iyong uulit-ulitin dahil napakasarap. Anong sikreto? Ang freshly baked dough nito!



Kamakailan lamang ay aking binisita at tinikman ang ma-ipagmamalaking pizza sa bayan ng Magdalena, Laguna (na kung saan nagaganap ang shooting ng Wildflower TV series ng ABS-CBN). Noong una, hindi ko inakala na may isang pizzeria sa Magdalena, Laguna na nag-luluto ng pizza na tunay na maikukumpara ang lasa sa mga pizza ng Shakeys, Pizza hut at S&R. Hindi lang lasa ng pizza ang nakapukaw sa aking atensyon kundi pati na rin ang presyo nito dahil sobrang affordable. Bilang isang indibidiwal na may layuning i-promote ang lokal na industriya sa Laguna aking inusisa ang man behind the scene, si Kuya Noel, ang may-ari ng Miynandre' Pizzeria.

“Bakit po ang mura ng presyo ng pizza niyo?” tanong ko sa owner ng pizzeria, “Ang intension ko talaga dito sa paggawa ng pizza ay ma-share sa mga kababayan ko ang lasa ng tunay na pizza. Especially sa mga kababayan ko na kapos sa buhay. I want them na ma-experience din nila iyong na-eexperience ng may kaya sa buhay. Iyon bang matikman din nila ang iba’t ibang flavor ng pizza sa murang halaga. May mga nakikita kasi ako na bumibili ng pizza dito, iyon bang tinapay na nilagyan ng hotdog at catsup pagkatapos ay halos isandaang piso rin ang sisingilin sa kanila. Naisip ko na, why not share the true taste? Gusto ko na in my small deeds, mapasaya ko ang mga tao by offering delicious pizza to our customers at a great price, and made with great passion.” Ito ang sagot ni Kuya Noel. “Layunin ko ring makilala ang aming bayan sa pamamagitan ng paggawa ng pizza na abot kaya ang halaga ngunit world class naman ang kalidad!”

Sa halagang PhP 155-200, maaari mo nang matikman ang iba’t ibang pizza flavors kagaya ng Pepperoni, Margherita, Cheezy garlic, Veggie, Spicy veggie, Triple chiz at Meat-feast. Hayaan niyong tunghayan ang ilang larawan ng pizza na aking natikman nitong nakaraang Feb. 3, 2018. 


1. Triple Chiz Pizza

 Ang pinaka-favorite ko ay ang Triple Chiz pizza. Ito ay mayroong double dose ng cheddar cheese, cream cheese at mozzarella cheese. Ang isang box (8 slices) ay nagkakahalaga ng PhP 180.  
Triple Chiz
 2. Cheesy Garlic

Features a creamy garlic Parmesan. Made of fresh garlic! Mozzarella! Olive oil! Freshly baked dough for only PhP 155 (8 slices).

Cheezy garlic
 3. Veggie

The best vegan pizza topped with fresh green pepper, onion, mushroom and black olives for only PhP 165 (8 slices).


Veggie


4. Margherita

Made with tomato sauce, mozzarella, fresh basil and extra virgin olive oil for only PhP 160 (8 slices). 

Margherita

5. Combo Nation

Combines two choices of pizza in one for only PhP 200!


Combo nation (Triple chiz and Margherita)


Tunay nga namang napakasarap ng kanilang pizza! Kaya po muli ko kayong hinihiyakat na suportahan ang lokal na food industry sa bayan ng Magdalena!

Yummy food tasting with yours truly

Thank you Kuya Noel for allowing me to taste your one of a kind pizza! 
Si Kuya Noel (left), The 20 year old oven (center), Santy (right)

Here's their menu for additional information!



FYI
-Ang Miynandre' Pizzeria ay nagsimula sa pizza party na lingguhang ginagawa ni Kuya Noel at ng kanyang batchmates in school. Isang kaibigan ang nag-udyok sa kanya na gawing small business ang paggawa nila ng pizza.
-Hindi rin madali ang pinagdaanan ng pizzeria na ito. Sabi nga ni Kuya Noel "Alam mo ba na muntik na akong maggive-up, may isang customer lang ako na umo-order almost everyday for 2 months kaya hindi ko ma-itigil. Sya rin yung nakuhanan ko ng idea ng combo kasi masyadong low budget na daw sya."
-Ang Miynandre’ ay pangalan ng kanyang bunsong anak. Their small business officially started on July 25, 2017.
-Lahat ng kanyang skills when it comes to making pizza ay sariling aral lamang mula sa videos on Youtube. Ang flavors naman o ang paggawa ng sauce ay natutunan niya sa kanyang kaibigan na Chef sa barko.
-Si Kuya Noel ay graduate ng Fine arts sa UST, kaya bilang isang artist, passion niya talaga ang mag-share ng kakaibang experience sa mga tao. Pabiro pa niyang sinabi sa akin na ang kanyang pizza ay artisan pizza! 
-Sa kasalukuyan, ang pizzeria ay for delivery and pick-up only. No dine in yet! Kaya kung nais niyong matikman ang kanilang pizza, dumayo ka na dito sa bayan ng Magdalena! For additional details, kindly visit their Facebook page: https://www.facebook.com/miynandrepizzeria/

 
How to get there:

From Manila:

Private vehicle:

Take the National Highway from Sta. Cruz and turn right to San Luis Road/Pagsanjan-Magdalena Road (Sambat)

Public Transport: 


Ride a bus from Cubao(HM or DLTB Bus Terminal) or Buendia-Taft (DLTB Co/Greenstar/Jac Liner Terminal) going to Sta. Cruz, Laguna and then take the jeepney to Magdalena.

Fare: Cubao to Sta.Cruz is PhP 140/head
Sta.Cruz to Magdalena is PhP18/head


Monday, October 30, 2017

Tara na sa mga Tulips sa Magdalena, Laguna!

Christmas is coming and marami sa ating mga Pilipino ang mahilig mamasyal sa mga lugar kung saan maraming mga kumukuti-kutitap na Christmas decorations. Marami rin sa atin ang nagagalak sa mga makukulay at maliliwanag na palamuti. Tila ba may kakaibang sayang naidudulot ito sa tuwing namamasdan. Tunay nga namang napakasarap sa pakiramdam kapag dumarating na ang kapaskuhan.

Sa biyahe kong ito, samahan niyo akong muli sa isang bayan sa Laguna, ang Magdalena, Laguna na tinagurian ding “The Little Hollywood of Laguna” at siya ring tinatawag na Poblacion Ardiente sa Wildflower TV Series ng ABS-CBN.

Kung may 10,000 roses sa Cebu, may hundred tulips naman dito. Tunghayan natin ang mga larawan.

 
The Pink tulips


 
The yellow tulips


Close up view



Hundred tulips (night and day version) (Photo grabbed from Mayor David Aventurado, Jr. FB on Oct.31, 2017)

Paalala lamang mula kay Mayor Aventurado:




Bukod sa nag-gagandahang mga tulips, masasabi kong isa ang Magdalena Plaza sa may pinakamaganda at pinakamalinis na parke sa ating bansa. Marami ring instagrammable spots dito. 


Feeling Maja Salvador (Ivy Aguas ng Wildflower)


Saint Magdalene Parish Church

Sa bayang ito, maaari mo ring maexperience ang White Water Rafting na dati ko na ring naibahagi sa inyo taong 2015. Please see http://biyahenisanty03.blogspot.com/2015/08/white-water-rafting-in-magdalena-laguna.html for details. 

Our groupie before rafting (Photo taken Aug.31, 2015)

Isa pa ring dinadayo dito ang Silogan at Bulaluhan ni Puchuy sa Corvite Street na tunay nga namang napakalinamnam ng mga pagkain. For more details, please see http://biyahenisanty03.blogspot.com/2017/07/silog-at-bulalo-kay-putchuy-tayo.html




"Kung may isang lugar kang pupuntahan ngayong pasko or sa mahabang holiday ngayong Nobyembre, mga lodi, idamay mo na ang Magdalena, Laguna sa iyong travel bucket list."

How to get there:

Private vehicle:


Take the National Highway from Sta. Cruz and turn right to San Luis Road/Pagsanjan-Magdalena Road (Sambat)

Public Transport:


Ride a bus from Cubao(HM or DLTB Bus Terminal) or Buendia-Taft (DLTB Co/Greenstar/Jac Liner Terminal) going to Sta. Cruz, Laguna and then take the jeepney to Magdalena.

Fare: Cubao to Sta.Cruz is PhP 148/head
Sta.Cruz to Magdalena is PhP18/head



Thursday, July 27, 2017

SILOG AT BULALO? KAY PUTCHUY TAYO!!

“Labing limang taon na rin pala mula ngayon, parang kahapon lamang…..”

“We’re classmates in the primary school, pareho pa kami ng service kapag uwian na. Si Ruel, isang napaka-kulit na bata, mahilig mang-asar, magbiro, pero naging isang tunay na kaibigan.”

Hindi ko inakala na ang dating medyo “bully” kong kamag-aaral ay magiging isang napakagaling na chef. Siya pala ang nasa behind the scenes sa isang payak na “Bulaluhan at Silogan” na matatagpuan sa Corvite St. Magdalena, Laguna. Sa aking pagkakatanda, isang blog na rin ang aking nailathala, dalawang taon na ang nakalilipas patungkol sa bayan ng Magdalena ngunit noong mga panahong iyon ay hindi pa sumisibol ang “Putchuy’s Bulaluhan at Silogan” na ngayon ay isa sa mga dinarayo dahil sa nababalitaang kakaibang timpla ng kanilang mga lutuin.

Mahilig ako sa bulalo, kaya naman hindi ako maaaring magpahuli sa pagtikim ng bulalo ni Chef Ruel. Nang makita ko ang kanyang post sa Facebook na bukas na ang kanyang munting ristorante, ‘di na ako nag-atubili pa at agad kong niyaya ang aking mga kaibigan upang matikman at mahusgahan ang kanilang ipinagmamalaki.

Halika na!! muli mo akong samahan sa aking biyahe dito sa Magdalena!

Hindi kagaya ng mga commercial resto na kadalasan nating dinarayo, ang Putchuy ay matatagpuan lamang sa isang simpleng tahanan na kung saan nakatira si Ruel at ang kanyang pamilya. Kung ikaw ay isang tao na mahilig sa mga “homey feeling”, inirerekomenda ko ang lugar na ito.

Ibahagi ko lamang ang aming karanasan. Alam niyo bang unang subo pa lamang ng sinangag ay umorder na agad kami ng isa pang kanin? Talaga namang garantisadong mapaparami ka ng kain dahil sobrang sarap ng kanilang silog, mami at bulalo! Tila may mahika ang sariling sangkap ng ating mahal na chef! Pitong putahe ang kanilang ini-aalok, ito ay ang mami, bulalo, siomai, pork tapsilog, tocilog, smoked longsilog at skinless longsilog. Bawat putahe, may kakaibang timpla. Ang sabaw ng bulalo, rekomendado isang daang porsiyento!

Hindi ko na hahabaan pa, hayaan mong ang mga larawang ito ang gumising sa iyo. Tamang tama sa malamig na panahon ngayon. 

Longsilog Skinless, PhP 55 (Photo Credit: Darrel El)

Longsilog Smoked,  PhP 55 (Photo Credit: Darrel El)


 
Tocilog, PhP 65 (Photo Credit: Darrel El)

Pork Tapsilog, PhP 65 (Photo Credit: Darrel El)

Mami PhP 25 (Photo Credit: Darrel El)


Bulalo, PhP 50 (Photo Credit: Darrel El)
Siomai (3pcs), PhP 10 (Photo Credit: Darrel El)



Satisfied Customers! Babalik kami ulit!

Kung nais mong matikman ang mga ito, dayo ka na dito sa bayan ng Magdalena! Sila ay bukas mula Lunes hanggang Linggo, from 8am to 11pm. They also offer delivery within Magdalena with a charge of PhP 10.
 

-FYI-


PAANO SILA NAGSIMULA?


x
Una kong tanong sa aking isipan, sino ba si Putchuy? Paano ba ito nagsimula?



Si Putchuy pala ay ang limang buwang gulang na anak ni Ruel. Isang munting anghel sa paningin na nagsilbing inspirasyon kasama ng kanyang Maybahay. Hindi rin madali ang pagsisimula ni Ruel dahil maraming tao ang humusga sa kanya na hindi niya kakayaning magbukas ng sariling kainan.
“Hindi naman daw siya naka-graduate kaya wala daw siyang kakayanan”

Ito ang naging kanyang tuntungan upang abutin ang kanyang pangarap….

Nagsimula sa pagiging isang waiter, bartender hanggang maging isang kusinero sa may Shangrila Plaza. Bagamat hindi natapos ang kursong HRM, isang Japanese Chef ang nagtiwala sa kanyang abilidad at siya ring nagturo at humubog sa kanyang talent sa pagluluto. Ilan pang mga Pinoy na Chef ang nagsilbi niya ring Maestro na hanggang sa ngayon ay hindi niya makakalimutan. Tibay ng loob, tiwala sa sarili, pamilya, pagsisikap, diskarte, pagtitiyaga at pananampalataya sa Diyos-ito ang kanyang puhunan at sikreto.

Ika nga niya “Mula Edsa Shaw, sa Shangrila at dito sa Magdalena uwian ako araw araw...kasi wala akong pera noon...gusto ko lang talaga ma-experience at matuto sa mga chef. Kahit walang masyadong sahodin, ok lang sakin, basta matuto ako.”

“Pangarap ko noon na magtatayo ako kahit na maliit lang na kainan at makikilala ang mga pagkain na gagawin ko dito sa bayan natin at pangarap ko din sa buong Pilipinas at sa ibang bansa. Papatunayan ko na hindi hadlang ang edukasyon para matupad ang pangarap.”


Isang nakakatuwang tagpo na nagsimula sa isang pangarap na ngayon ay naisakatuparan. Ito ang Putchuy’s Bulaluhan at Silogan! Bagamat nagsisimula pa lamang, naniniwala ako na balang araw ay magiging tanyag ka.

Mga kaibigan! Suportahan natin ang lokal na food industry dito sa Magdalena!