Sunday, August 30, 2015

6 things you must try or visit in Sta.Cruz, Laguna

Nakarating ka na ba sa Sta.Cruz,Laguna? Alam mo  ba na ang Sta.Cruz ang Kapital ng Laguna at hindi Calamba? Naalala ko lang kasi iyong isa kong kamag-aaral sa kolehiyo, akala niya kasi na Calamba ang kapital ng Laguna dahil mas popular ito kumpara sa unang nabanggit. Sa Laguna Travel guide series kong ito, hayaan niyong ipakita  ko ang mga maipagmamalaki sa bayan ng Sta.Cruz, Laguna-the Original home of Kesong Puti!

Sa totoo lang wala masyadong lugar na mapupuntahan o mapapasyalan dito hindi kagaya ng mga karatig na bayan tulad ng Pagsanjan at Los Baños ngunit ang bayan ng Sta.Cruz ay maraming mga maipagmamalaking produkto at kainan!

1.  Bugok o Bibingkang Itlog

Nakatikim ka na ba ng bugok? Ang bugok o ang bibingkang itlog ay ang isa sa mga pinipilahang pagkain dito sa Sta.Cruz. Ang bugok ay maituturing na isang Exotic Food, ito ay pinagsama-samang itlog ng itik na may kasamang abnoy o bulok na itlog. Oo, ito ay gawa sa bulok na itlog kaya mabaho rin ang amoy nito.






Ang sabi ng ilan, “Mas mabaho ang bugok, mas lalo itong masarap.”

 Hindi ko rin alam kung bakit nasasarapan ako sa bugok na itlog tila kasi may mahika itong taglay na talaga namang kapag natikman ay uulitin-ulitin dahil masarap! Well, masarap ang bugok kahit na mabaho at mas masarap ang bugok kapag may kasamang sawsawang suka na may siling pula.

Ang bugok ay karaniwang mabibili sa palengke ng Sta.Cruz. Maaari kang bumili ng bibingkang itlog sa halagang limang piso hanggang  PhP100 (isang buo). Try mo rin ang bugok.

2. Tio Casio’s Makapuno Bibingka

Mula sa bulok na Bibingkang itlog, isa pang bibingka na tunay ngang napakasarap ay ang Makapuno Bibingka ni Tio Casio! Ang Tio Casio’s Bibingka de Makapuno ay ang First and the original Makapuno de Bibingka na matatagpuan sa Brgy.Bubukal, Sambat, Sta.Cruz, Laguna.  Tuwing may okasyon, hindi ko makakalimutang bumili nito, iba kasi ang lasa ng bibingka de makapuno nila, hindi masyadong matamis pero malinamnam, tama lang ang timpla at  swak sa panlasa ng Pinoy.

Kung mapapadaan ka sa Sta.Cruz, huwag mong kalimutang bumili nito sa Tio Casio, hindi ka magsisisi dahil 100% itong masarap,proven and tested ko na ito dahil ipinatikim ko ito sa aking mga kaibigan from Palawan,Butuan and Manila.

Photo grabbed from Tio Casio’s Makapuno de Bibingka FB Account on August 29, 2015

Ang isang kahon na Makapuno de bibingka ay nagkakahalaga ng PhP170.00.


3. Kesong Puti

Kung naghahanap ka ng original kesong puti or cottage cheese, sa bayan ng Sta.Cruz mo ito matatagpuan. Sa katunayan mayroong Kesong Puti Festival na ginaganap tuwing buwan ng Marso na kung saan makikita mo ang iba’t ibang kesong puti. Ang Kesong Puti ay karaniwang masarap na palaman sa mainit na pandesal, ito rin ay minsang inilalagay sa mga pasta o hamburger. Maraming nagtitinda ng kesong puti sa may Bagumbayan, Sta.Cruz, Laguna, madali mo lang itong makikita dahil along the highway lang ang mga ito.

FYI: “Kesong Puti is a fresh, soft, white cheese made from unskimmed carabao milk. It is normally eaten with bread while some consider it as a special ingredient in pastas and burgers. Kesong Puti stands can easily be found in the ‘Home of Kesong Puti’, Sta. Cruz.”


Photo grabbed from lagunatravelguide.com on August 29, 2015

Photo grabbed from lagunatravelguide.com on August 29, 2015


Price Range: PhP60-150

4. Laguna Pesto with Kesong Puti @Teds

Isa sa mga paborito kong puntahan na kainan ay ang Ted’s at ang isa sa mga paborito  kong kainin dito ay ang Laguna Pesto match with Apple Basil (my comfort food). Sa hindi ko mawaring pakiramdam, nakakarelax ang mga food na ito at hindi lang ang pagkain sa Ted’s pati na rin ang cozy ambience nito.

Laguna Pesto and Apple Basil





If you will visit Sta.Cruz, don’t forget to visit Ted’s! Country Style Resto with reasonable prices.

Photo grabbed from Ted’s Facebook account on August 29, 2015


Location: Ted’s by MonDay Chefs
KM 83 National Hway Brgy Duhat, Santa Cruz, Laguna
Telephone Number: (049)501-6858

5. Rizal Monument (Laguna Sports Complex)

Kung mahilig kang magjog or simpleng mahilig magpawis, try mo ring bisitahin ang Laguna Sports Complex na kung saan ang Palarong Pambansa ay ginanap noong 2014. Dito rin makikita ang isa sa pinakamalaking statue (The Tallest Rizal Statue that is 26-foot) ng ating pambansang bayani Dr.Jose Rizal.





Location: RECS Village, Barangay Bubukal, Santa Cruz, 4009 Laguna


6. Bella’s Patis Labo

Alam niyo ba na ang masarap na patis labo na Bella ay produkto rin ng Sta.Cruz? Ang patis labo na masarap na sawsawan (lalo na kapag pipigaan ng kalamansi) kapag ang ulam ay sinigang, nilaga o kahit ang mga steamed talbos ng kamote.

Photo grabbed from triploqal.com on August 29, 2015


Location: Brgy. Calios Monserat Subd Sta. Cruz Laguna .


Rediscover Sta.Cruz in Laguna
It’s more fun in Laguna!











1 comment:

  1. The 5 best casino games - JD VR Hub
    Casino Games. I love 천안 출장샵 the slots and roulette game, 의왕 출장안마 the excitement and the convenience of 보령 출장마사지 each game. 속초 출장마사지 When you think about it, this is 구미 출장샵 the

    ReplyDelete