When the eyes can't capture everything
Tuesday, August 18, 2015
35 First Time Experiences
Naalala mo pa ba ang lahat ng iyong first or first time?
First love, first kiss, first heartbreak, first girlfriend/boyfriend, first Ferris wheel ride, first swimming, first diving, first airplane ride, first STARBUCKS coffee at kung ano-ano pang first time experience.
Kung tatanongin kita ngayon ano ba ang mga naramdamam mo noon? Maaaring pinagsama-samang emosyon hindi ba? Maaaring nakadama ka ng matinding pananabik, takot, lungkot o saya? Hindi mo ito nakakalimutan kahit sino pa man ang kasama mo noon o ano pa man ang nangyari ng mga oras na iyon. Sa aking buhay masasabi kong hindi talaga mabilis kalimutan ang lahat ng
first time
dahil ito ay isa sa mga naging kapana-panabik na sitwasyon na tumatak na sa aking puso at isipan. Naalala mo pa ba ang lahat ng
first time
na may kinalaman sa iyong
travel experience
? Heto ang mga
first time travel
and
food experiences
na pwede mong alalahanin, balik-balikan sa isipan. Sa oras nga na naalala ko ang lahat ng
first time experiences
, napapangiti na lang ako at
thankful
na hindi ko pinalampas ang oras na maranasan ang mga ito. Subukan mong libutin ang sarili mong bansa bago mo libutin at tuklasin ang iba. Sa aking
list
, subukan mong puntahan ang mga lugar na ito na matatagpuan sa ating bansa-Pilipinas!
“Twenty years from now you will be more disappointed by the things you didn’t do than by the ones you did do.” – Mark Twain
1. First longest slide
Iyong hindi mo mapigilan ang takot at para bang pakiramdam mo ay titigil ang mundo. Pero sulit naman ang
slide
na diretso sa napakalamig na tubig sa Nagcarlan, Laguna.
Location: Villa Sylvia, Nagcarlan, Laguna
2. First Zipline Ride
Inisip mo kung kakayanin ka ba ng
safety harness
, pero pinilit mong maging matapang,
worth it
naman!
“Kasabay ng napakasayang
zipline ride
ang masaksihan ang bundok Makiling dito sa Laguna.”
Location: La Resio Lakeside Resort and Spa, Brgy. Tadlac, Los Baños, Laguna
3. First diving experience
Iyong
feeling
na nagdadalawang isip ka kung tatalon ka pa ba dahil naiisip mo kung lulutang ka pa rin o hindi na.
Actually hindi ako ang nasa
video
, pero dahil hanga ako sa aking
churchmate
na tumalon habang nakasuot ng
life vest
sa 20ft
deep
na tubig, isinama ko ito. FYI: Hindi siya marunong lumangoy.
Location: La Resio Lakeside Resort and Spa, Brgy. Tadlac, Los Baños, Laguna
4. First wall climbing experience
Ang pakiramdam na naglalaban ang dalawa mong paa sa paghahanap ng maapakan at dalawang kamay sa paghahanap ng makakapitan.
Actually
, hindi ulit ako ang nasa
video
,
churchmate
ko lang din dahil noong ako ang nakasalang sa
wall climbing
, nakalimutan nilang i-
video
ako dahil ako ang unang matapang na sumubok sa
GREAT WALL
. Ang masasabi ko lang ay para rin itong
Wall
ng Pagsubok na kapag nalampasan mo ay mas magiging matatag at malakas ka.
Location: La Resio Lakeside Resort and Spa, Brgy. Tadlac, Los Baños, Laguna
5. First rafting Experience
Nangarap ka bang maranasan ang ginawa nila Tom at Huckleberry Finn sa Tom Sawyer?
Ang
rafting experience
sa Tadlac Lake Nature Park pagkatapos ng
wall climbing experience
. Ang nakaka-
excite
dito ay ang mismong mga kasama ko sa raft. Masaya kapag masaya rin ang mga kasama mo.
Location: La Resio Lakeside Resort and Spa, Brgy. Tadlac, Los Baños, Laguna
6. First airplane ride
Isa ka rin ba sa mga taong nangarap makasakay sa eroplano? Iyong pakiramdam na gusto mong makita ang himpapawid at makita ang mga nasa ibabang
view
mula sa langit. Iyong tipong masusuka ka sa umpisa at sumakit ang tainga dahil sa
pressure
sa loob ng higanteng ibon.
Ang
first airpline ride
ko ay papuntang Puerto Princesa City sa Palawan. Ang hindi ko makakalimutan sa
ride
na ito ay ang pakiramdam na para bang babagsak ang eroplano dahil sa
air turbulence
.
Location: NAIA Terminal, Pasay City going to Palawan
7. First horse riding experience
Iyong hindi ko alam kung kakayanin ba ako ng kabayo or sisipain niya ako.
Location: Kapurpurawan Rock Formation, Ilocos Norte
8. First Time to see Windmill
Ang pakiramdam na hindi mo alam kung anong mekanismo ng hangin ang nagpapagana sa mga higanteng istrukturang ito.
As in
sobrang saya lang na makakita ng mga higanteng
windmill
at talagang napalakas ng hangin na para bang madadala ako nito sa ibang lugar.
Location: Bangui Windmill, Ilocos Norte
9. First Boating sa Mangrove Forest
Ang pakiramdam na malasap ang hangin sa presensya ng
mangroves
.
Iba pa rin kapag mangrove ang makikita mo. Dito ko mas na-
appreciate
ang halaga ng Mangrove sa ating kapaligiran.
Location: Lobo Batangas
10. First Calesa Ride
Iyong
feeling
na nasa panahon ng Kastila. Masarap lang maranasan ang mga sasakyan noong mga naunang panahon.
Location: Vigan
11. First Island Hopping
Noon kasi sa mga larawan ko lang nakikita ang
hundred islands
at nang makita ko ang mga ito talagang namangha ako. Hindi ko maipaliwanag ang saya noong personal kong nakita ang mga isla na ito na matatagpuan sa Alaminos, Pangasinan.
Location: Hundred Islands, Brgy. Lucap, Alaminos, Pangasinan
12. First underground river cave experience
Sa umpisa sa mga balita at larawan mo lang nakikita pero noong nasaksihan mo na, tunay ngang kakaiba at kamangha-mangha!
Dito ko naranasan iyong hindi
functional
ang
camera
sa loob ng
cave
at nang lumabas na kami ay saka gumana. Tila hindi hinahayaan ng kung ano mang pwersa na maihayag ang kanilang kagandahan.
Creepy
pero
amazing experience
ang
Underground River Tour
na ito.
Location: Underground River, Palawan
13. First time to see Sand dunes
Ang pakiramdam na nasa
desert
ka. Dito rin nagshooting si FPJ eh!
Location: Paoay Sand Dunes, Ilocos Norte
14. First time to see the Summer Capital City of the Philippines
Nakapunta ka na ba sa Baguio? Kumusta ang
first time
mo doon? Ang lamig hindi ba? Noong una ko pa lang makatuntong sa Baguio sobra talagang nanibago ako sa klima doon pero sulit naman ang punta, sobrang kamangha-mangha ang kapaligiran sa Baguio. Samahan pa ng Night Market at iba pang pasyalan at ang mga pagkain sa Good Taste!
Location: Burnham Park, Baguio City
15. First Banaue Experience- Hagdan hagdan Palayan
Isa sa mga wonders of the world kung tawagin, dapat hindi natin makalimutang bisitahin ang lugar na ito. Sobrang nakakamangha na makita ang mga ginawa ng ating mga ninuno. Sana nga ay ma-
preserve
pa rin ang mga ito at hindi mapabayaan.
Location: Banaue, Ifugao
16. First Tuguegaro Experience
Kung nais mong makaramdam ng pinakamainit na temperatura sa Pilipinas, pumunta ka sa Tuguegarao! Sobrang init talaga.
Location: Tuguegarao Airport, Tuguegarao
17. First Luneta Experience
Kung gusto mong makita ang
Kilometer 0
, at ang monumento ng ating pambansang bayani, puntahan mo ang Luneta. Sa larawang ito, wala pa ang kontrobersyal na
photo bomber!
Location: Luneta Park, Manila
18. First Mindanao Experience
Dati masyado akong
stereotype
kapag sinabing Mindanao ang nasa isipan ko lang ay giyera o labanan pero noong nakarating ako sa Mindanao sobrang ganda at linis ng lugar nila. Malinis at napakarich sa natural resources! Dito ko rin unang natikman ang Durian, mabaho sa pang-amoy ng iba ngunit masarap.
Location: Davao, Cotabato
19. First trek
Iyong
first trekking
ko ay sa Magdalena, Laguna specifically sa Pintong Pilak. Napakalinis at payapa ng lugar na ito.
Location: Pintong Pilak, Magdalena, Laguna
20. First amusement park experience
Iyong tipong hinahalukay ang bituka mo at para bang umiikot ang mundo. Na-
try
niyo na ba ang mga
rides
sa
amusement park
sa ating bansa?
Location: Star City, Manila, Enchanted City in Sta.Rosa and Skyranch in Tagaytay
21. First Festival
Ang Lalaguna
festival
na dinarayo sa kapitolyo ng Laguna. Isa sa unang festival na aking nasaksihan. Anong
festival
sa Pilipinas ang tumatak sa isip mo?
Location: Festival Ground, Provincial Capitol of Laguna
22. First Floating Restaurant Experience
Isa ang Isdaan sa mga
floating restaurant
na masarap balik-balikan.
Location: Isdaan, Calauan, Laguna
23. First 3D Museum Art
Oo, mayroon din tayong pinakamalaking 3D Art Museum sa Pilipinas na kaya mong libutin sa loob ng tatlong oras. Malaya kang makakagalawa at makakapag selfie or groupie sa mga higanteng paintings dito.
Location: Art in Island, Cubao, Quezon City
24. First Noah’s Ark
Ang pakiramdam na bumalik sa kapanahunan ni Noah at matunghayan ang Kamay ni Hesus.
Location: Kamay ni Hesus, Lucban, Quezon
25. First time in La Mesa Eco Park
Sinong mag-aakalang may ganito pang lugar sa Quezon City? Unang punta ko dito ay hindi ko akalaing may natatago pang katulad nito sa Urban!
Location: La Mesa Eco Park, Quezon City.
26. First time to see Camel in real life
Hindi lang sa disyerto mo pwedeng makita, mayroon din sa Subic nito! Oh di ba? Mapapangiti ka pa. Isabay na rin ang pagbisita sa Duty Free!
Location: Zoobic Safari, Subic, Zambales
27. First time to see Watersports!
Oo, mayroon din sa Pinas! Subukan mo rin ang Camsur Watersports complex.
Location: Camsur Watersports Complex, Bicol
28. First Krispy Kreme, Sbarro, JCO and Starbucks experience
Naalala mo pa ang unang tikim mo ng Krispy Kreme doughnut and unang pagpunta sa Starbucks? Nagpapicture ka rin ba while drinking your Starbucks coffee?
Location: Krispy Kreme and Starbucks Coffee, SM North, Quezon City
Sbarro, Mall of Asia
29. First mountain climbing
Iba sa pakiramdam ang makaakyat ka ng bundok. Actually, sa first time ko eh hinimatay ako dahil hindi ko napaghandaan ang tarik pala.
Location: Mount Banahaw, Dolores Quezon
30. First Retreat center
Ang paborito ng mga couple for Pre-Nup Photo shoot and venue for wedding. Sabi nila kailangan 1 year before ang event ay makapagpareserve ka na.
Nakaka-relax ang lugar na ito.
Location: Caleruega Church, Nasugbu, Batangas
31. First solo stay sa Hotel
Medyo alangan ako mag-isa at sakto pang creepy ang lugar pero paranoid lang pala ako. Kumusta ang first solo experience mo sa hotel? Try the Mi Casa En Tayabas Hotel, unique ang style parang Baroque lang.
Location: Mi Casa en Tayabas, Tayabas, Quezon
32. First Roro experience
Sabi ko nga paano kaya nakakaya ng Roro ang lahat ng sakay nito? Nakakatakot ang unang ride kong ito pero habang nasa gitna ng karagatan naalala ko ang mga teleserye, si Jack and Rose at iba pa. Kumusta first time RORO mo?
Location: Ferry Ride going to Bacolod
33. First to witness infinity pool
Ang lugar na masasabi mong payapa. Nakakarefresh lang. Tanda mo pa ang first infinity pool experience mo?
Location: Pueblo Por La Playa, Pagbilao, Quezon
34. First time shot with Oble (UP symbol)
After 7 years since graduation saka pa lang ako nakapagpapicture kay Oble. Feeling proud ang experience na ito.
Location: University of the Philippines, Los Baños, Laguna
35. First to see 5 Star Hotel
Ang unang tungtong? Oathtaking of Agriculturist. As in WOW!
Location: Manila Hotel
Napakaraming lugar na pwedeng puntahan sa Pilipinas. Kaya nga habang may panahon subukan nating libutin at tangkilikin ang sarili nating bansa.
“
The greatest reward and luxury of travel is to be able to experience everyday things as if for the first time, to be in a position in which almost nothing is so familiar it is taken for granted
.” — Bill Bryson
No comments:
Post a Comment
Newer Post
Older Post
Home
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment