Friday, February 9, 2018

Valentine's day o single awareness day?



Habang sinusulat ko ang artikulong ito ay abot tenga ang ngiti ko at kilig na kilig sa bagong “Kwentong Jollibee” videos na pinamagatang “Signs”,”Homecoming” at “Status”. Lahat ng ito ay akmang akma sa buwan ng pag-ibig. Iba talaga ang mga video ng Jollibee ano? Tagos sa puso at ika nga relate much ang mga taong pinagdaanan ang lahat ng ito.


1. Signs
Maraming tao ang naniniwala sa signs pagdating sa pag-ibig. Inaamin ko na may time rin sa aking buhay na naniwala ako sa signs lalo na noong teenager pa ako. Nakakatawang ala-alahanin iyong mga time na iyon. Iyong mga tipong ganito,
“Sige, kapag may nakita kang naka-blue striped T-shirt, iyon na ang forever ko!”

May makikita nga kami na ganoon ang suot pero ang masaklap, may kasama ng iba o kaya may edad na.

May time rin na kapag nasamid naman while eating, sasabihin ng mga friends, “Oh may nakaalala sa iyo, iyon na ang forever mo, magbigay ka ng number”, then magbibigay ka naman like number 10, magbibilang naman sila, oh letter J ang may gusto sa iyo.” Then sasabihin nila iyong kilala nila na starts with letter J ang name and will declare na iyon na nga ang forever mo.

Kung ganoon lang sana kadali ang lahat ano? Pero hindi.

Mahirap umasa sa signs kasi madalas iyong mga sign na sinasabi natin eh hindi naman talaga leading into the right person or iyong “the one”. Kagaya ng girl sa video, kitang kita naman na umasa siya. Iyon kasi ang malungkot doon, akala mo siya na, akala mo gusto ka rin niya, akala mo special ka pero akala mo lang pala. Kasi you assumed so much, nag-feeling at nag-expect kaya nasaktan. Akala mo kasi sparks na pero hindi pala.

Sa mga single na kagaya ko, huwag mag-alala, bawat isa sa atin ay may nakatakdang magmamahal. Hindi kailangang hanapin ito sa pamamagitan ng sign. Dahil ito ay kusang darating sa tamang panahon. Malay mo di ba? Iyong taong magiging “The One” ay matagal mo na palang kilala o kasama, hindi mo lang napapansin kasi masyado kang naka-focus sa mga signs mo.

Hintay-hintay ka lang. Because love is truly patient. As 1 Corinthians 13:4-7 says, 

4 Love is patient and kind; love does not envy or boast; it is not arrogant 5 or rude. It does not insist on its own way; it is not irritable or resentful; 6 it does not rejoice at wrongdoing, but rejoices with the truth. 7 Love bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things.


2. Homecoming

Dito naman sa video na ito, I realized na pwede pa rin talagang mabaling ang atensyon ng isang nasa “In a relationship” sa iba lalo na kapag iyong current boyfriend/girlfriend ay wala ng time or hindi na napapahalagahan ang kanyang partner. Kaya sa mga may boyfriend or girlfriend diyan na super busy, please make time naman sa inyong minamahal. Baka magulat na lang kayo isang araw eh ibang lalaki/babae na pala ang nagpapatibok sa mga puso ng mahal niyo.

3. Status

Madalas lalo na sa Facebook kapag may status na may kinalaman sa new relationship ng isang friend katulad ng “In a relationship, Got engaged, Married to” ay sobrang nagdiriwang ang buong Facebook world. Eh paano kung matagal ka ng single at nakabasa ka ng ganito? Magiging bitter ka ba? Mapapasabi ka ba ng “Mabuti pa sila” or “Ang panget naman nito, nagka-boyfriend/girlfriend pa!” Bitter lang te?

Sabi nga sa video, “Kahit walang love life, may love ka sa life”. Sa mga taong single at malapit or lampas na sa kalendaryo ang edad, many will pressure us na maghanap na ng kapareha or mag-asawa na. Many will ask naman kung bakit wala pa ring lovelife or kung masaya ba kahit walang lovelife. Minsan nakakasawa na ring sumagot ng tanong nila. Minsan naman kung depressed ka may time na mapapatanong ka na lang din kung bakit ka pa rin single or kung may problema ba sa ugali or itsura mo kaya wala ka pa ring partner. Pero iyon nga, hindi naman natin kailangan ng love life para masabing may love sa ating life, kasi maraming nagmamahal sa atin, hindi tayo nag-iisa. Nandiyan ang family mo, churchmate or bestfriend who can be a source of love. Lalo’t higit nandiyan si God. Di ba God is love? Ang pinakamalupit na love ay nagmumula sa Kanya, 

John 3:16  For God so loved the world, that he gave his only Son, that whoever believes in him should not perish but have eternal life. 

So kahit single ka man ngayong Valentine’s day eh huwag maging bitter kasi you can still be happy even without love life. Kung matagal ka ng “Single”, eh dapat magdiwang ka kasi you have many time to explore the world, to know yourself, love  yourself, to spend time with your family. Ika nga, be the right one first before yearning for the right one. Remember, we don’t look for love, kusa itong darating.

Para sa mga kagaya ko na walang date ngayong darating na Feb. 14, heto ang ilang mga pwede nating gawin.

1. Huwag malungkot kung walang matatanggap na bulaklak or chocolate. Huwag ding maiinggit sa mga nagde-date. Isipin mo na lang na iyong future partner mo ay same lang kayo ng pinagdadaanan. Be positive pa rin na maeexperience mo iyon sa tamang panahon.

2. Gumawa ng group date for all single friends. Kayo-kayo na ang magbigayan ng bulaklak or chocolate. It’s a good time na rin para makapagbonding. Pwedeng in the form of staycation, beach party, simpleng food trip or KTV or nature tripping. 

3. Huwag ka ng magpatugtog ng emo na love songs kasi lalo ka lang malulungkot. Listen to music na nakakagood vibes lang.

4. Set date for your parents. Mas masaya iyon na makita ang parents mo na magdate sila. Pay for their bill. In that way, nakapagpasaya ka pa. Maging chaperone ka na lang din.

5. Dahil Feb. 14 is a working day, be productive na lang sa work and after work reward yourself with a massage and spa!

Happy Heart’s day everyone! Happy single awareness month.



No comments:

Post a Comment