Saturday, February 3, 2018

Murang Pizza mula sa Poblacion Ardiente!

Sa unang tingin parang pangkaraniwang pizza lamang, hindi perpekto ang hugis, walang magandang packaging na kagaya ng mga pizza na nabibili natin sa mga sikat na pizza restaurants dito sa ating bansa. Pero kagaya nga ng kasabihang “don’t judge a book by its cover”, hindi sa anyo ng pizza nasusukat ang tunay na lasa dahil ang pizza na ito ay hindi basta-basta, once na iyong matikman ay talaga namang garantisadong iyong uulit-ulitin dahil napakasarap. Anong sikreto? Ang freshly baked dough nito!



Kamakailan lamang ay aking binisita at tinikman ang ma-ipagmamalaking pizza sa bayan ng Magdalena, Laguna (na kung saan nagaganap ang shooting ng Wildflower TV series ng ABS-CBN). Noong una, hindi ko inakala na may isang pizzeria sa Magdalena, Laguna na nag-luluto ng pizza na tunay na maikukumpara ang lasa sa mga pizza ng Shakeys, Pizza hut at S&R. Hindi lang lasa ng pizza ang nakapukaw sa aking atensyon kundi pati na rin ang presyo nito dahil sobrang affordable. Bilang isang indibidiwal na may layuning i-promote ang lokal na industriya sa Laguna aking inusisa ang man behind the scene, si Kuya Noel, ang may-ari ng Miynandre' Pizzeria.

“Bakit po ang mura ng presyo ng pizza niyo?” tanong ko sa owner ng pizzeria, “Ang intension ko talaga dito sa paggawa ng pizza ay ma-share sa mga kababayan ko ang lasa ng tunay na pizza. Especially sa mga kababayan ko na kapos sa buhay. I want them na ma-experience din nila iyong na-eexperience ng may kaya sa buhay. Iyon bang matikman din nila ang iba’t ibang flavor ng pizza sa murang halaga. May mga nakikita kasi ako na bumibili ng pizza dito, iyon bang tinapay na nilagyan ng hotdog at catsup pagkatapos ay halos isandaang piso rin ang sisingilin sa kanila. Naisip ko na, why not share the true taste? Gusto ko na in my small deeds, mapasaya ko ang mga tao by offering delicious pizza to our customers at a great price, and made with great passion.” Ito ang sagot ni Kuya Noel. “Layunin ko ring makilala ang aming bayan sa pamamagitan ng paggawa ng pizza na abot kaya ang halaga ngunit world class naman ang kalidad!”

Sa halagang PhP 155-200, maaari mo nang matikman ang iba’t ibang pizza flavors kagaya ng Pepperoni, Margherita, Cheezy garlic, Veggie, Spicy veggie, Triple chiz at Meat-feast. Hayaan niyong tunghayan ang ilang larawan ng pizza na aking natikman nitong nakaraang Feb. 3, 2018. 


1. Triple Chiz Pizza

 Ang pinaka-favorite ko ay ang Triple Chiz pizza. Ito ay mayroong double dose ng cheddar cheese, cream cheese at mozzarella cheese. Ang isang box (8 slices) ay nagkakahalaga ng PhP 180.  
Triple Chiz
 2. Cheesy Garlic

Features a creamy garlic Parmesan. Made of fresh garlic! Mozzarella! Olive oil! Freshly baked dough for only PhP 155 (8 slices).

Cheezy garlic
 3. Veggie

The best vegan pizza topped with fresh green pepper, onion, mushroom and black olives for only PhP 165 (8 slices).


Veggie


4. Margherita

Made with tomato sauce, mozzarella, fresh basil and extra virgin olive oil for only PhP 160 (8 slices). 

Margherita

5. Combo Nation

Combines two choices of pizza in one for only PhP 200!


Combo nation (Triple chiz and Margherita)


Tunay nga namang napakasarap ng kanilang pizza! Kaya po muli ko kayong hinihiyakat na suportahan ang lokal na food industry sa bayan ng Magdalena!

Yummy food tasting with yours truly

Thank you Kuya Noel for allowing me to taste your one of a kind pizza! 
Si Kuya Noel (left), The 20 year old oven (center), Santy (right)

Here's their menu for additional information!



FYI
-Ang Miynandre' Pizzeria ay nagsimula sa pizza party na lingguhang ginagawa ni Kuya Noel at ng kanyang batchmates in school. Isang kaibigan ang nag-udyok sa kanya na gawing small business ang paggawa nila ng pizza.
-Hindi rin madali ang pinagdaanan ng pizzeria na ito. Sabi nga ni Kuya Noel "Alam mo ba na muntik na akong maggive-up, may isang customer lang ako na umo-order almost everyday for 2 months kaya hindi ko ma-itigil. Sya rin yung nakuhanan ko ng idea ng combo kasi masyadong low budget na daw sya."
-Ang Miynandre’ ay pangalan ng kanyang bunsong anak. Their small business officially started on July 25, 2017.
-Lahat ng kanyang skills when it comes to making pizza ay sariling aral lamang mula sa videos on Youtube. Ang flavors naman o ang paggawa ng sauce ay natutunan niya sa kanyang kaibigan na Chef sa barko.
-Si Kuya Noel ay graduate ng Fine arts sa UST, kaya bilang isang artist, passion niya talaga ang mag-share ng kakaibang experience sa mga tao. Pabiro pa niyang sinabi sa akin na ang kanyang pizza ay artisan pizza! 
-Sa kasalukuyan, ang pizzeria ay for delivery and pick-up only. No dine in yet! Kaya kung nais niyong matikman ang kanilang pizza, dumayo ka na dito sa bayan ng Magdalena! For additional details, kindly visit their Facebook page: https://www.facebook.com/miynandrepizzeria/

 
How to get there:

From Manila:

Private vehicle:

Take the National Highway from Sta. Cruz and turn right to San Luis Road/Pagsanjan-Magdalena Road (Sambat)

Public Transport: 


Ride a bus from Cubao(HM or DLTB Bus Terminal) or Buendia-Taft (DLTB Co/Greenstar/Jac Liner Terminal) going to Sta. Cruz, Laguna and then take the jeepney to Magdalena.

Fare: Cubao to Sta.Cruz is PhP 140/head
Sta.Cruz to Magdalena is PhP18/head


No comments:

Post a Comment