Sunday, August 26, 2018

A secret getaway revealed! Bukidnon Hobbit House


Temperaturang kaylamig...
Sariwang hangin...
Magandang paligid...
Masarap sa pakiramdam…
Nakakawala ng pansamantalang problema o mga isipin sa buhay...

Hindi ko akalain na may isang lugar sa Malaybalay, Bukidnon na swak sa aking mga nabanggit. Ito ang Mt. Kitanglad Agri-Eco park where "The Hobbit house of Bukidnon" is located.


Warning: Mahirap itong puntahan. Kakailanganin mong sumakay sa habal-habal from city proper. Mga rough and steep road ang iyong madadaanan. But don’t worry, along the way ay maeenjoy mo naman ang mga plantasyon ng saging at pinya. Bonus na rin ang sariwang hangin na hahaplos sa iyong mukha.

Perfect ang Mt.Kitanglad Agri-Eco Park for camping, trekking, bird watching at kahit soul searching. Malamig ang temperatura dito lalo na kapag maulan kung kaya’t kailangan mo ng jacket. Speaking of cold temperature, challenge din ang paliligo dahil extreme ang lamig ng tubig. Fresh kasi from the mountain kaya para kang naliligo na may kasamang yelo. Huwag kang maghahanap ng heater, kasi hindi uso dito iyon.

Sa totoo lang, ang “Hobbit House” talaga ang sinadya namin dito. Simula kasi nang makita ko sa Facebook Newsfeed na may “The  Hobbit House” na sa Bukidnon ay natuwa naman ako kahit hindi ako fan ng “The Lord of the Rings”.

Share ko lang mga kapatid ang aming “overnight” experience here and what you will see inside the Agri-Eco Park. 

1. The Hobbit House

On-going pa lamang ang construction nito, hindi pa siya pwede for accommodation so ang tanging magagawa mol ang ay magphoto-op. Nakakatuwa lang kasi napaka-creative ng pagkakagawa. Heto ang ilan sa mga photo ko with the “Hobbit House”







2. Tree House

Dahil hindi pa pwedeng matulugan ang “The Hobbit House”, ang tree house na ito ang nagsilbi naming kanlungan sa magdamag. Pakiramdam ko nga ay nasa bahay ako ni Huck. Good for 2-3 persons ito for only PhP 750 at take note, may kasama na iyong free breakfast. May pa-brewed coffee na rin sila at mineral water. Libre yan ha.

Expect mo na walang source of electricity sa tree house, kailangan mo pang ibigay ang mga gadgets mo sa care taker sakaling mag-papacharge ka. Lampara at solar lights lang sa gabi ang pwede mong gamitin. No need for airconditioned kasi nga sobrang lamig dito.

Enjoy the moments lang sa loob at labas ng tree house and wait for the sunrise.



3. Bird’s Nest

Isa rin sa paborito kong spot ay ang giant bird’s nest. Dito naming inabangan ang Haring Araw.




4. Campsite area

May campsite area din sila at mga tent na pwedeng i-rent with complete beddings. May bonfire area rin sila na perfect lalo na sa malamig na gabi.




5. Citronella Oil products

May pagawaan ng citronella oil sa Agri-Eco park na ito.



Biyahenisanty03 recommends Mt.Kitanglad agro-eco farm in Malaybalay, Bukidnon.
Experience nature...
Explore biodiversity...
What to see:
The hobbit house of Bukidnon
"Huckleberry Finn" Tree house
Mini pool
Citronella oil extraction facility
Tribal ritual site
and more...
Daytour: PhP 50 per pax
Overnight:
Tree house (PhP 750 good for 2-3 pax with free breakfast)
Tent (PhP 300 good for 2-3 pax)
Where to book?
09552875279
How to get there?
From Manila:
Ride a plane going to Bukidnon via Cagayan de Oro.
From Cagayan de oro to Malaybalay, Bukidnon
ride a van, fare is PhP 120 per pax.
From Malaybalay city proper.
Ride a motorela going to Landing market, Php 8 per pax.
From Landing market to Brgy.Imbayao, ride a habal habal, PhP 200 per pax. Contact Kuya Sammy: 09977429373
I recommend kuya Sammy, one of the locals.
What to prepare?
Your jacket cause it is so cold here. And taking a bath is very challenging. There are so many instagrammable spots here too, bring camera!
The road going there is rough road (extreme), so prepare yourself.


No comments:

Post a Comment