Saturday, April 20, 2019

Buhay Zero Waste

Holy week, ito iyong long holiday na inaabangan ng lahat, of course ito rin ang mga panahon ng pagninilay-nilay, pag-bisita iglesya, o kaya naman outing kasama ang pamilya, iyong pupunta ka sa beach, or resort, or me moment sa bundok. Kasabay ng holiday na ito ang ‘di maiiwasan na pag-generate natin ng tambak na basura na madalas ay plastic. Halimbawa na lang, ang isang tipikal na pamilya na nagpunta sa beach, kung oobserbahan ay may dala-dalang plastic cups, plastic spoon and fork, plastic plates na babalutan din ng plastic, mga condiments na nakabalot sa sachet, at shampoo and conditioner na naka-sachet din.

Mahilig kasi tayo sa mga disposable lalo na kung may outing para nga naman hindi na huhugasan and for convenience na rin. Kabi-kabila ang mga post sa social media na nagbisita iglesya, nag-outing at namundok at ang mga tao ay walang pakundangan magtapon ng basura kung saan-saan lang. Nakakalungkot lang dahil madalas wala tayong disiplina. Tapon dito, tapon diyan kasi may mga ibang tao na ang isipan ay “May maglilinis naman niyan”. Nakakalungkot hindi ba?

Ilan lamang ito sa mga scenario ngayong holiday, bukod pa ang pang-araw araw na scenario na gumagamit tayo ng plastic. Ayon sa isang pag-aaral ng Global Alliance for Incinerator Alternatives, mahigit 164 milyon piraso ng plastic sachets ang tinatapon ng mga Filipino sa araw-araw. Just imagine kung ganoon karami iyon. Kaya pala sa isang pag-aaral ng Ocean Conservancy Charity and the McKinsey Centre for Business and Environment ay tayo ang third-largest source of discarded plastic na napupunta sa karagatan. Ang epekto nito, maaring ang mga toxins ng plastic ay mag-leach at ma-absorb ng isda na siyang ating pagkain. Ang mga plastic na ito ay sumisira sa samu’t-saring buhay (biodiversity) sa karagatan kung kaya’t kinakailangan na ito ay masolusyunan.

Hindi na rin nakapagtataka na madami tayong plastic na na-generate dahil sa “sachet system” na naghahari sa merkado. Makamasa, abot-kaya ang presyo, pero madalas na packaging ay single-use at hindi narerecycle. Pero kung matatandaan, noong una, hindi naman tayo nakadepende sa plastic. Naalala ko pa noong bata pa ako, kapag ako ay bumibili ng mantika o suka sa tindahan ay may dala-dala akong bote for refill. Kapag bumibili naman ako ng bulalo sa karinderya ay may dala-dala rin kaming container pero ngayon ay supot na ang pinagbabalutan ng mga ulam. Convenient nga naman! Ibig ko bang sabihin ay huwag na tayong gumamit ng plastic?

Isang solusyon sa problema ng basura ay ang striktong implementasyon ng RA 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Kasama dito ang adbokasiya ng Zero Waste. Zero waste is defined as “an advocacy that promotes the designing and managing of products and processes to avoid and eliminate the volume and toxicity of waste and materials. It is also defined as a goal that is ethical, economical, efficient and visionary to guide people in having a resourceful lifestyle, in which discarded materials can be re-designed as resources for others to use.”


Buhay zero waste ang pangarap kong abutin, nais kong ibahagi ang aking journey towards zero waste lifestyle pero sa totoo lang, malayong malayo pa ako sa katotohanan.


1. Pag-iwas sa mga single-use cutlery,straws

 Madalas akong gumamit ng plastic spoon and fork lalo na kapag kumakain sa fastfood pero ngayon iniiwasan ko na. Kapag naman bumibili ng Milk Tea, I refuse na rin the single use plastic straw. Nakita ko ang bamboo cutlery na ito sa Imago Dei, isang online store na matatagpuan sa Facebook. Ito ang tinatawag nilang Ultimate Bamboodle na may kasamang fork, knife, chopsticks , toothbrush, milk tea straw, regular straw, cleaning Brush at green pouch.


Madami naman tayong mga kawayan sa Pilipinas. Mas maganda ring suportahan ng mga policy makers ang mga magkakawayan.

Nauso na rin ang paggamit ng metal straws para reusable. Pero ang tanong, kailangan pa ba talaga natin ng straw?

 Imago Dei: https://www.facebook.com/imagodeicares/


2. Pagdadala ng reusable/collapsible na baso

Nabili ko rin ito sa Imago Dei, at gawa ito sa silicone. Kapag nagbibiyahe, palagi itong nakalagay sa loob ng aking bag. Nakakatuwa lang kasi collapsible.

3. Paggamit ng shampoo and conditioner bars

Madalas kong gamitin ang mga shampoo and conditioner in sachets or iyong nasa plastic bottles pero dumating sa punto na I decided to shift dahil nag-pile up na ang mga used sachets sa loob ng bathroom.

Nakita ko lang sa Facebook newsfeed ang The Eco Shift: a zero plastic store and then I decided to try their products and sa ngayon ay isa na rin akong distributor.

"Our mission is to help everyone shift from plastic use to eco friendly options limiting waste products. We will do this by providing quality, affordable and accessible eco friendly personal care products."
I encouraged my family, friend and officemates to shift na rin and nakakatuwa lang dahil marami na ring naimpluwensyahan.




Kapag may travel, I bring the travel kit so less plastic contribution na rin sa lugar na aking patutunguhan.

 The Eco Shift: Los Banos: https://www.facebook.com/theechoshiftlosbanos/

Home Office: https://www.facebook.com/TheEcoShift/


4. Pagdadala ng food container

 Ramdam ko iyong kahalagahan ng pagdadala ng food container sa office, kasi we usually buy sa canteen then pag-take out, nilalagay nila sa plastic. Napansin ko na sobrang daming plastic waste ang nagenerate during lunch time kaya naman nagdadala na ako ng food container. Natutuwa naman ako kasi may mga officemate na rin na naimpluwensyahan.



5. Pagsali sa Buhay Zero waste Facebook group at Buhay Zero Waste preloved

Natuwa ako dahil may group na may advocacy ng zero waste. Dito ako nakakabasa ng mga real life experience nila towards Zero waste. May mga members na nagbibigay ng payo. Sumali rin ako sa Buhay Zero waste preloved Facebook group.



This community advocates zero-waste practices and aims to become a platform for ONLINE DUMPSTER-DIVING. This community was created to connect 1.) people who have items/possessions that they no longer want, with 2.) people who might want, need, or have a use for them.

The community was created in the hopes that people would send less trash to landfills, by potentially finding others who might want to use/repurpose the items first. "One man's trash is another man's treasure," so they say. All items within the group are free of cost.

This is a venue for people to be able to donate or give away personal belongings.

Sa grupong ito, ako nakakapagpost ng mga bagay na hindi ko na nagagamit. Less trash at makakatulong pa sa mga nangangailangan.


 Facebook link: https://www.facebook.com/groups/buhayzerowaste/

https://www.facebook.com/groups/buhayzerowastepreloved

6. Pagbili ng mga damit sa Thrift store “ukay-ukay”

Hindi ako nahihiyang bumili ng mga damit na galing sa ukay-ukay. Second to oil, the clothing and textile industry is the largest polluter in the world. Thrifting helps the environment because 1) it lowers carbon footprint, 2) decreases landfill waste and 3) encourages recycling.

Wearing ukay-ukay would never make you look cheap pero dapat pa ring maging maingat sa pagpili.



7. Paggamit ng eco bag/basket sa pamimili

Noong panahon ng ating mga lolo at lola, bayong at basket ang dala-dala nila kapag namamalengke ngunit nang mauso nga ang plastic, ito na ang ginagamit natin sa ating pamimili.

Kung zero waste, dapat gumagamit ng ecobag para less plastic. Mas matibay pa ito kaysa sa plastic. Ito pa lamang ang simula ng aking maha-habang journey towards zero waste.

 Ang sabi nga ni Wangari Maathai, “The environment and the economy are really both two sides of the same coin. If we cannot sustain the environment, we cannot sustain ourselves.”

 Sana matutunan natin pangalagaan ang ating kalikasan. Nagsisimula ito sa mga maliliit na bagay na kadalasan ay nagkakaroon ng malaking impact sa kabuuan.




No comments:

Post a Comment