Monday, August 31, 2015

White Water Rafting in Magdalena, Laguna


                Adrenaline rush ba ang hanap mo? Want to go for whitewater rafting adventure but don’t have time to visit Cagayan de Oro? Huwag kang mag-alala, may alternatibo tayo sa Laguna! Nakarating ka na ba sa Magdalena, it’s just a 3 hour drive from the heart of Manila? Salamat sa long weekend at nagkaroon ako ng panahon na maranasan ang isa sa mga ipinagmamalaki sa bayan ng Magdalena, Laguna. Tara! Samahan mo akong muli sa Laguna Adventure with my family. Discover Magdalena-The little Hollywood of Laguna!

                Ito ang una kong whitewater rafting adventure at salamat na lamang dahil ang river difficulty is Grade 3 na highly recommended sa mga beginners na tulad namin. Nagsimula ang tour sa orientation and I think ito ang unang pinakamahalaga dahil dito nila ipinakilala kung ano nga ba ang mayroon sa bayan ng Magdalena, Laguna at dito rin nila ipinaalala sa amin ang mga do’s and don’ts na kailangang sundin upang maging ligtas ang bawat isa sa rafting adventure na ito.  Pagkatapos ng briefing, inihatid na kami sa rafting area na nagsimula sa Majayjay patungong Magdalena River Dam! The Magdalena River rafting is a 7 kilometer thrilling experience and it took us 2 hours to finish the course.



 Heto ang mga kapana-panabik na tagpo sa aming unang Whitewater Rafting Experience!

1. Orientation

Sa orientation pa lamang, napaka-cool na ng mga staff, very accommodating ang mga staff nila lalo na ang tour organizer namin na si Tito Raf. Ipinaramdam niya sa amin ang napakainit na pagtanggap sa kanilang bayan. Iyon naman ang mahalaga ang maramdaman mo na sa unang pagtapak mo pa lamang sa lugar ay tila ba kabahagi ka na nito.











2. Starting Point








Paalala:  Medyo madulas ang pababa papunta sa starting point, kaya kailangan na ang suot mong tsinelas o sandalyas ay matibay at hindi madulas.


3. The Rafting Proper

Una sa lahat kailangan kang makipagtulungan sa mga river guide para mapadali ang pagsagwan! If the water is calm, magsagwan ka, pero kapag may rapids na, hayaan mo muna sila.






 Dalawa ang river guides namin at sobrang nagpapasalamat kami sa kanila dahil ramdam namin ang pag-alalay nila sa aming lahat at sinigurado nila na ma-eenjoy namin ang rafting adventure na ito. “Kudos to Pong and Jess, saludo ako sa inyo.”




Sagwan, bounce, tawa, kaba, ala-ala, mga salitang makakapaglarawan sa mga nangyari sa dalawang oras na rafting na ito.







Luntiang tanawin, iba’t ibang uri ng ibon, kabayo, baka, aso, mga kababaihang naglalaba sa ilog, tumatakbong bayawak sa ibabaw ng tubig, mga mangingisda, waterfalls, Little Palawan, Hanging bridge, mga malalaking bato at galit na galit na water current, ilan lamang sa mga ‘di malilimutang scenario











4. Other things to do aside from Rafting

a. Cliff diving

Kung malakas ang loob mo na tumalon sa may tinatayang 16 feet na lalim na tubig, subukan mo, pero ako, hindi ko sinubukan at hinayaan ko na lang ang aking mga kasama na sumubok nito.




b. Water Tubing

Isa sa mga ‘di ko ring makakalimutang activity; napakasaya na magpaikot-ikot kasama ng timbulan na ito.






c. Swimming

Malamig ang tubig dito at talaga namang napakasarap magtampisaw, ingat lang at baka madala ka ng agos!





d. Plaza Tour

If you have free time, don’t forget to visit the Saint Magdalene Parish Church, the Walk of Fame and take some photos.





Remember that Magdalena is the Little Holywood in Laguna! Bakit kamo? Dahil ang bayang ito ay isa sa mga Pinakapaboritong Spot for Shooting! Sa katunayan ito nga ang Movie Capital of the Philippines.  

5. Want to avail the Package?

This adventure is made possible with the help of Mhollywood Adventure Camp. Rafting Plus (Barkada) Package is PhP 999/head, inclusive of jeepney transportation from Magdalena Town Proper to Rafting Area and Back, rafting gears/river guides, rubber boat,  minimum of six (6) person per trip, max  is 8 pax.

Visit their FB Page: Magdalena White Water River Rafting Adventure or search for Tito Raf on Facebook

Contact number: Smart (0928-258-5554) and TM (0936-405-8302)


6. How to get there?

Private vehicle:

Take the National Highway from Sta. Cruz and turn right to San Luis Road/Pagsanjan-Magdalena Road (Sambat)

Public Transport: 

Ride a bus from Cubao(HM or DLTB Bus Terminal) or Buendia-Taft  (DLTB Co/Greenstar/Jac Liner Terminal) going to Sta. Cruz, Laguna and then take the jeepney to Magdalena.

Fare: Cubao to Sta.Cruz is PhP 148/head
                Sta.Cruz to Magdalena is PhP18/head

7. Pahabol

What to bring or wear?
-Sunblock
-off lotion
-wear shorts, shirts, swimming attire! slippers or sandals
-plastic bags for wet things
-your Camera of course!

Discover Whitewater rafting in Magdalena, Laguna
Definitely safe…
Definitely 100% Pinoy
Discover Magdalena, Laguna




It’s more fun in Laguna!


Sunday, August 30, 2015

6 things you must try or visit in Sta.Cruz, Laguna

Nakarating ka na ba sa Sta.Cruz,Laguna? Alam mo  ba na ang Sta.Cruz ang Kapital ng Laguna at hindi Calamba? Naalala ko lang kasi iyong isa kong kamag-aaral sa kolehiyo, akala niya kasi na Calamba ang kapital ng Laguna dahil mas popular ito kumpara sa unang nabanggit. Sa Laguna Travel guide series kong ito, hayaan niyong ipakita  ko ang mga maipagmamalaki sa bayan ng Sta.Cruz, Laguna-the Original home of Kesong Puti!

Sa totoo lang wala masyadong lugar na mapupuntahan o mapapasyalan dito hindi kagaya ng mga karatig na bayan tulad ng Pagsanjan at Los BaƱos ngunit ang bayan ng Sta.Cruz ay maraming mga maipagmamalaking produkto at kainan!

1.  Bugok o Bibingkang Itlog

Nakatikim ka na ba ng bugok? Ang bugok o ang bibingkang itlog ay ang isa sa mga pinipilahang pagkain dito sa Sta.Cruz. Ang bugok ay maituturing na isang Exotic Food, ito ay pinagsama-samang itlog ng itik na may kasamang abnoy o bulok na itlog. Oo, ito ay gawa sa bulok na itlog kaya mabaho rin ang amoy nito.






Ang sabi ng ilan, “Mas mabaho ang bugok, mas lalo itong masarap.”

 Hindi ko rin alam kung bakit nasasarapan ako sa bugok na itlog tila kasi may mahika itong taglay na talaga namang kapag natikman ay uulitin-ulitin dahil masarap! Well, masarap ang bugok kahit na mabaho at mas masarap ang bugok kapag may kasamang sawsawang suka na may siling pula.

Ang bugok ay karaniwang mabibili sa palengke ng Sta.Cruz. Maaari kang bumili ng bibingkang itlog sa halagang limang piso hanggang  PhP100 (isang buo). Try mo rin ang bugok.

2. Tio Casio’s Makapuno Bibingka

Mula sa bulok na Bibingkang itlog, isa pang bibingka na tunay ngang napakasarap ay ang Makapuno Bibingka ni Tio Casio! Ang Tio Casio’s Bibingka de Makapuno ay ang First and the original Makapuno de Bibingka na matatagpuan sa Brgy.Bubukal, Sambat, Sta.Cruz, Laguna.  Tuwing may okasyon, hindi ko makakalimutang bumili nito, iba kasi ang lasa ng bibingka de makapuno nila, hindi masyadong matamis pero malinamnam, tama lang ang timpla at  swak sa panlasa ng Pinoy.

Kung mapapadaan ka sa Sta.Cruz, huwag mong kalimutang bumili nito sa Tio Casio, hindi ka magsisisi dahil 100% itong masarap,proven and tested ko na ito dahil ipinatikim ko ito sa aking mga kaibigan from Palawan,Butuan and Manila.

Photo grabbed from Tio Casio’s Makapuno de Bibingka FB Account on August 29, 2015

Ang isang kahon na Makapuno de bibingka ay nagkakahalaga ng PhP170.00.


3. Kesong Puti

Kung naghahanap ka ng original kesong puti or cottage cheese, sa bayan ng Sta.Cruz mo ito matatagpuan. Sa katunayan mayroong Kesong Puti Festival na ginaganap tuwing buwan ng Marso na kung saan makikita mo ang iba’t ibang kesong puti. Ang Kesong Puti ay karaniwang masarap na palaman sa mainit na pandesal, ito rin ay minsang inilalagay sa mga pasta o hamburger. Maraming nagtitinda ng kesong puti sa may Bagumbayan, Sta.Cruz, Laguna, madali mo lang itong makikita dahil along the highway lang ang mga ito.

FYI: “Kesong Puti is a fresh, soft, white cheese made from unskimmed carabao milk. It is normally eaten with bread while some consider it as a special ingredient in pastas and burgers. Kesong Puti stands can easily be found in the ‘Home of Kesong Puti’, Sta. Cruz.”


Photo grabbed from lagunatravelguide.com on August 29, 2015

Photo grabbed from lagunatravelguide.com on August 29, 2015


Price Range: PhP60-150

4. Laguna Pesto with Kesong Puti @Teds

Isa sa mga paborito kong puntahan na kainan ay ang Ted’s at ang isa sa mga paborito  kong kainin dito ay ang Laguna Pesto match with Apple Basil (my comfort food). Sa hindi ko mawaring pakiramdam, nakakarelax ang mga food na ito at hindi lang ang pagkain sa Ted’s pati na rin ang cozy ambience nito.

Laguna Pesto and Apple Basil





If you will visit Sta.Cruz, don’t forget to visit Ted’s! Country Style Resto with reasonable prices.

Photo grabbed from Ted’s Facebook account on August 29, 2015


Location: Ted’s by MonDay Chefs
KM 83 National Hway Brgy Duhat, Santa Cruz, Laguna
Telephone Number: (049)501-6858

5. Rizal Monument (Laguna Sports Complex)

Kung mahilig kang magjog or simpleng mahilig magpawis, try mo ring bisitahin ang Laguna Sports Complex na kung saan ang Palarong Pambansa ay ginanap noong 2014. Dito rin makikita ang isa sa pinakamalaking statue (The Tallest Rizal Statue that is 26-foot) ng ating pambansang bayani Dr.Jose Rizal.





Location: RECS Village, Barangay Bubukal, Santa Cruz, 4009 Laguna


6. Bella’s Patis Labo

Alam niyo ba na ang masarap na patis labo na Bella ay produkto rin ng Sta.Cruz? Ang patis labo na masarap na sawsawan (lalo na kapag pipigaan ng kalamansi) kapag ang ulam ay sinigang, nilaga o kahit ang mga steamed talbos ng kamote.

Photo grabbed from triploqal.com on August 29, 2015


Location: Brgy. Calios Monserat Subd Sta. Cruz Laguna .


Rediscover Sta.Cruz in Laguna
It’s more fun in Laguna!